^

PSN Showbiz

Julia, excited na kay Tony

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, excited na kay Tony
Julia Barretto

Masayang-masaya si Tony Labrusca dahil natupad na ang isa sa mga pangarap na makatrabaho sa isang proyekto si Julia Barretto. Magkakatambal ang dalawa sa online series na I Am U na mapapanood sa iWant. “Two years ago, the bosses asked me who I want to work with and I told them I wanted to work with Julia. I already told her this in private na. So I’m just excited to work on this project. Super blessed,” nakangiting pahayag ni Tony.

Mayroong walong bahagi ang bagong seryeng ito mula sa Dreamscape Entertainment at The IdeaFirst Company. Magkasintahan ang karakter nina Tony at Julia sa naturang proyekto na ididirek ni Dwein Baltazar. “Parang high school sweethearts kami hanggang college,” maikling pagbabahagi ng aktor.

Ngayon pa lamang ay excited na rin si Julia na magkaroon ng bagong katambal. Matatandaang si Joshua Garcia ang huling nakatambal ng aktres sa isang teleserye. “I am also excited to work with Tony because the bosses would always tell me kapag may meeting ako, na Tony would always mention that he want to work with me. And I told the bosses, please give us something to work on because we might be able to offer something different. So I got really excited when they brought up his name for ‘I Am U.’ I feel like I will be comfortable around Tony. I feel like he will be able to take care of me in this series,” paglalahad naman ni Julia.

Richard, ipinaglaban ang kontrobersyal na painting

Kahit abala sa pagiging Alkalde ng Ormoc City ay nagpaplano muling makagawa ng pelikula si Richard Gomez. Matatandaang nagtambal muli ang actor-politician at Sharon Cuneta sa pelikulang Three Words to Forever noong isang taon lamang. “May binabasa ako na dalawang scripts ngayon. Meron akong binabasa na Palanca award na story. Tingnan ko kung kaya ng schedule,” pagtatapat ni Richard.

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang isang painting na ginawa ng aktor dahil sa imahe nitong ari ng isang lalaki. Para kay Richard ay normal lamang ito para sa tulad niyang isang alagad ng sining. “Tama lang ‘yon, gano’n talaga ang art dapat nae-evoke ang emotions mo. Kapag gumagawa ka ng art at di naapektuhan ang emotions mo, hindi exci­ting. Marami talagang gano’n those artist doesn’t know what art is all about,” paliwanag niya.

Samantala, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ni Richard ang selebrasyon ng ika-apatnapu’t limang kaarawan ng asawang si Lucy Torres-Gomez na magaganap sa December 11. “I’m more of a… maayos na planning. Siguro tatanungin ko siya (Juliana, anak nina Richard at Lucy) kung ano ang gusto niya para sa mommy niya. Lately busy si Juliana sa school, hindi namin siya nakikita. Siguro siya ang tatanungin ko para sa birthday ng mommy niya,” pagtatapos ni Richard.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with