^

PSN Showbiz

Claudine sinali si Julia sa sakitan nila ni Marjorie!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Claudine sinali si Julia sa sakitan nila ni Marjorie!
Claudine Barretto

Pagkatapos magsalita ni Marjorie Barretto sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa ABS-CBN, nagsalita naman si Claudine Barretto nang nakapanayam ito nina Jobert Sucaldito at Ambet Nabus sa programa nila sa DZMM.

Naging emotional si Claudine sa panayam na iyun dahil nahihiya na raw siya sa nangyayari sa kanilang magkakapatid, lalo na’t nangyari ito sa harapan pa mismo ni Pres. Duterte.

Ipinaliwanag ni Claudine ang gulong nangyari nung pumunta ang ate Gretchen niya na iba naman sa kuwento ni Marjorie.

Nakadagdag pa ng sakit sa kanya nung pangalawang gabi na kung saan siya naman daw ang nasaktan ni Marjorie at kasama pa raw si Julia na ‘mama’ pa naman daw ang tawag sa kanya.

Ikinuwento ni Claudine kung paano raw siya pinagsisigawan ni Marjorie na na-provoke raw siya para kalabanin ang nakakatandang kapatid.

Ang dami raw sinasabi ni Marjorie na dapat sabihin daw kay Gretchen. Kaya sinasabi raw niya pati ang Mommy niya na bakit hindi raw siya mismo ang magsabi kay Gretchen.

“Dinuro niya ako sa ulo. Ayun, sinampal ko siya talaga. Nagsabunutan kami,” bahagi ng mahabang kuwento ni Claudine.

“Huwag mo ako ganyan-ganyanin. I mean, instant reaction ko yun eh.

“Hindi sa nambabastos ako sa mas nakakatanda sa akin, pero huwag mong gawin yan sa akin lalo na’t pag nandun ang mga anak ko. Ayokong makita ng mga anak ko na okay lang na mambastos ng kahit na bastusin ka at saktan ka na ganyan,” dagdag na pahayag ng aktres.

Hindi na niya ininda ang sakit na naramdaman niya, pero ang nasaktan daw siya nang husto nang sumali pa raw si Julia Barretto sa pananakit sa kanya at kung anu-ano pa ang sinasabi raw laban sa kanya.

“Ang masakit sa akin, parang alam mo na parang anak mo sinasaktan ka.

“It’s painful na you laid your hand on the person who you call ‘mama’. It’s painful.

“Ayoko na sanang ilabas to. Tahimik na ako especially for Julia. Because whatever people will say, my heart breaks pag nasasaktan siya. Kaya nasasaktan na rin ako eh. Parang akong nanay na nagtatampo, nagagalit,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Claudine.

Hindi na raw nakayanan ng Mommy nila ang nasaksihan kaya nagka-nervous breakdown na rin daw ito at hinimatay.

“She fainted, sabi niya tigilan n’yo na ang anak ko, mag-isa lang siya sa buhay,” dagdag na kuwento ni Claudine.

Samantala, itinanggi rin ni Claudine ang sinabi ni Marjorie na umuutang siya noon sa dating Caloocan Mayor Recom Echiverri.

“Bakit mangungutang ako sa kanya. Bakit hindi kay Marjorie, eh okay pa kami nun,” pakli niya.

Hindi na muna gaanong pinag-uusapan ni Claudine ang tungkol sa sinasabi ni Gretchen na kakasuhan daw niya ng molestation si Mayor Echiverri.

Itinanggi rin niya ang isyung nagkakaroon ng relasyon ang ate Gretchen niya at si Atong Ang. Malapit daw sa pamilya si Atong na parang anak na raw ang turing ng kanyang magulang.

“Parang si Edu yan sa buhay namin, adopted son nina Mommy and Daddy.

“Family friend. He’s Nicole’s ex-boyfriend.

“Kaya natsi-tsismis din kami, kasi ako pa ang nagbabantay nun kay Nicole,” depensa ni Claudine.

Nakakahiya raw kay Mr. Tonyboy Cojuangco na may ganung tsismis, dahil close rin daw sina Tonyboy at Atong.

“Mahiya naman sila kay Dada (Tonyboy). It’s funny, how can you be together kasi nandiyan si Dada. Ano ba yun?” bulalas niya.

Sa lalong lumalalang gulo nilang magkakapatid, hindi na raw niya alam kung paano harapin ang kahihiyang ito.

Sa tingin daw niya malabo na itong maayos.

“It’s so sad na napahiya na naman kami at kaharap pa si Presidente.

“Pero sa second night ganun na naman ang away.

“Parang wala na, wala nang pag-asa.

“Mas maganda na matapos na ito, tama na,” sabi pa ni Claudine.

Matteo tuloy na sa Pedro Penduko

Nung napabalita ang paglipat ni Matteo Guidicelli sa Viva, na-suggest na namin noon na mas bagay kung sa kanya na ibigay ang role na Pedro Penduko dahil sa hindi na ito itinuloy kay James Reid.

Ngayon ay in-announce na nga nilang si Matteo na ang gaganap sa proyektong ito.

Hindi na rin si Treb Monteras ang direktor kung hindi ipinagkatiwala na kay direk Jason Paul Laxamana.

Kahapon ay ipinost ni direk Jason sa kanyang Facebook account ang katuwaan na siya na ang magdidirek ng naturang proyekto.

 “I reviewed all past incarnations of Penduko — original comics, the movie starring Ramon Zamora and Janno Gibbs, the TV series starring Matt Evans — to find out if there’s a common origin story, lore or narrative arc.

“There isn’t. The Celso Ad. Castillo-directed version is even a musical!

“But one thing is for sure: Penduko, no matter which incarnation you look at, has been consistent in being a platform to explore and showcase elements of Filipino folklore.

“So I vanquished the anxiety brought about by the possibility of screwing up any established lore. There isn’t an established lore, but there is an established essence, and it is that essence which I wish to continue and develop in this reimagining of Pedro Penduko.

“May the diwatas guide me in this endeavor!,” bahagi ng FB post ni Direk Jason.

Betong nakumbinse na ring mag-concert

Matagal na palang kinukumbinse si Betong Sumaya na mag-concert dahil madalas naman siyang sinasama sa mga show ng GMA Pinoy TV sa ibang bansa at bentang-benta ang performance niya dahil nakakanta siya at nakakasayaw.

“Three years ako inalok na nila ako na mag-concert pero sabi ko huwag muna. Pero this year sabi ko medyo espesyal na araw, tamang-tama birthday ko rin November 21. So, parang first birthday and thanksgiving concert at the same time,” pakli ni Betong sa kanyang pocket presscon na ginanap sa Tiyo kahapon.

Sa November 21 nga ang concert na gaganapin sa Music Museum na pinamagatang Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha?

“Parang sinasabi ko lang na susubukan ko lang po.

“Kung ano man po ang tingin ninyo, kayo na ang bahala, kayo na ang humusga,” pakli ng komedyante.

Dito gagawin ni Betong ang lahat na mga nagawa niya sa stage, pati mga karakter na pinasikat niya sa Bubble Gang, kagaya ng Antonieta.

Inaasahang dadagsa ang mga special guest ni Betong dahil gusto niyang maging bahagi sa first concert niya ang mga nakasama niya sa mga first na nagawa niya sa TV. Kagaya ni Dingdong Dantes na bida sa first teleserye niya, si Michael V na first gag show niya sa Bubble Gang, pati ang ilan pang nagawa niyang ValenChaGa na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon at Lovely ‘Ga’ Abella.

Sana mapapayag daw si Marian Rivera na mag-guest din sa kanyang Treats for my Sweets.

Siyempre mga ilang kasamahan niya sa Survivor  at mga close friend na sina Anthony Rosaldo, Miguel Tanfelix at Alden Richards.

Kaya asahan ang napakarami niyang special guests na ikinatatakot daw niyang baka magmukha na lang daw siyang guest sa mga big stars na tampok sa concert na ito.

Maaring dito na rin sa concert niya kakantahin ang first single na iri-record niya sa GMA Music.

vuukle comment

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with