Nabuko na ganun kalala ang nangyari kabaong ni Mr. Barretto muntik daw mahulog sa ‘Circus’ nung burol!
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot pala na pati ang kabaong ni Mr. Miguel Barretto ay tinamaan nang magkaroon ng ‘circus’ sa burol ng Barretto patriach last Wednesday night.

Ito diumano ay nung mag-rambol ang mag-tita na sina Gretchen and Nicole Barretto last week.

Ang dami raw kasing umaawat at umabot sa bandang harapan ng chapel ang Heritage Park kung saan nakalagay ang casket.

Nakiawat daw kasi pati ang Presidential Security Group na nasa loob ng chapel kung saan nakahimlay ang katawan ni Mr. Barretto.

Kahit nga raw si President Duterte ay hindi umepekto ang pagre-referree dahil itinuloy ang kanilang pisikalan.

Ayon sa source ni Manay Lolit Solis na pinag-usapan nila sa Take It... Per Minute (Me Ganun) with Mr. Fu at Ogie Diaz na nag-pinch hit for Manay Cristy Fermin na may trangkaso kahapon (feel better soon Nay Cristy), hindi raw kasi pinalabas ng chapel ang mga nandun pero isinara ang door ng chapel kaya maraming natira sa loob.

Sayang nga at may sakit si Nay Cristy. Ang dami niyang alam sa mga pangyayari na mas gumulo nang magsalita si Mr. Atong Ang na ang joke ni Manay Lolit at Atong ‘Patong’ Ang dahil sa sinabi nito sa interview sa DZBB (Dobol A sa Dobol B with Arnold Clavio and Ali Sotto) na wala namang nakakita na nakapatong siya sa tatlong magagandang miyembro ng Barretto family para pagbintangan siyang may ‘relasyon’ dito.

Actually, sobra pa sa national issue ang kanilang awayan.

As in pati mga sossy, nakikiusosyo na at interesado sa mga pangyayari.

 Samantala, napag-usapan din sa no. 1 digital talk show sa kasalukuyan na may anak din pala si Mr. Atong Ang sa dating actress na si Kristine Garcia. Isa si Kristine sa may pinaka-magandang mukha nung kanilang henerasyon. 

Tinutukan nga ang TIPMMG kahapon dahil nga sa Barretto saga. Lahat talaga ay interesadong malaman kung sino ba ang nagsasabi ng totoo sa kanilang lahat.

Kaya sa mga hindi nakapanood sa Take It... episode 36, puwede kayong maki-join sa #TeamReplay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at Latest Chika.

MIGUEL BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with