Marjorie Barretto
Inamin din ang relasyon kay Echiverri, Marjorie matindi ang resbak kay Gretchen!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

‘This evilness has to stop’ ‘Atong Ang huwag mo akong saktan’ ‘Siya ang gumawa ng gulo’

Pasabog ang mga pinakawalang sagot ni Marjorie Barretto sa exclusive interview ni Ms. Karen Davila para sa TV Patrol bilang buwelta sa mga akusasyon ng kapatid na si Gretchen Barretto at ni Atong Ang.

Ilan dito ay : ‘My children are not for sale.’

‘Atong Ang huwag mo akong saktan.’

“Tapos siyempre napapahiya siya sa aming lahat, kasi very present si Atong sa lahat ng family gatherings namin in that almost five years, as the boyfriend of Nicole. Napapahiya rin naman si Nicole na papasok silang (Gretchen and Ang) magkasama. Parang sampal na sa pagmumukha niya ‘yon. It was not the place to do that.”

“They were claiming na mainit na ulo ko. Hindi lang po ako. ‘Yung pamilya ko po, dahil na-offend kami really about Atong sending our nieces and nephews out of the wake of our father. That’s the tension.”

“I wasn’t the one with nervous breakdown. I was sitting quietly with the President on the left side of the chapel, exchanging pleasantries… We ended well, habang si Gretchen nakikipagbugbugan doon. Para klaro sa lahat. Siya ang gumawa ng gulo. Hindi ako. I respect my father.”

“It goes to show that Gretchen does not care about the family at all. My father died of acute respiratory failure. He did not have a heart attack.”

“Gretchen, stop diverting. My mom is always invited. Why wouldn’t she be invited? She is my mother, and she is the wife of my father, and we are in good terms. If I did not want my mother at the birthday celebration of my father, I wouldn’t have done it in my house.”

“Speaking of not inviting your mother to your house — Gretchen, for more than 25 years, has never invited my parents to her house, any of her mansions and rest houses, not even to their garage. So don’t paint me as the bad daughter, Gretchen.”

“What Gretchen is doing to me is not only to me. She does this to all her friends, all my friends, family, parents, everything. This evilness has to stop.

“Ako, gusto ko ibalik ‘yung tanong kay Gretchen: Kailan ka ba mapapagod? When will you start healing so you can stop hurting everybody? I pray for healing. I sincerely pray for healing.”

“Kung pumunta siya sa ospital, sa tatay ko, habang buhay, walang Presidente, walang kamera, walang lahat, ako ang unang yayakap sa kanya. I would have hugged her. I would have led her to my father, and I swear that on my children’s lives.

“I am for reconciliation, just not an orchestrated one.”

Ito ang ilan sa mga pinakawalang resbak ni Marjorie sa mga naunang sinabi ni Gretchen na inagaw ng pamangkin niyang si Nicole si Atong Ang kay Gretchen, na inilalako niya ang kanyang anak na si Julia, na nagkaroon siya ng nervous breakdown, na hindi siya ang naging dahilan ng atake sa puso ng ama, na masama siyang anak at marami pang iba.

Kinumpirma rin ni Marjorie na sinubukan silang pagbatiin ni Pangulong Duterte.

“Sabi ko, ‘Mr. President, I respect you, I love you, I voted for you, sir. Pasensya na po. Hindi po kita mapagbibigyan.

“I could see her face. I could see the insincerity in Gretchen. I know her the most.”

“Claudine says, ‘You’re unbelievable!’ Tumingin ako, bunsong kapatid. Diyan nag-start ‘yung bastusan, actually. And then she followed with, ‘How dare you! You just want the attention!”

Inamin na rin ni Marjorie na si ex Mayor Recom Echiverri ang ama ng kanyang bunsong anak at hindi totong minolestiya nito si Claudine.

Mahilig umano sa salitang ‘molested’ ang inactive actress (Gretchen) dahil sinasabi nitong minolestiya siya ng kanilang ama.

So asahang sasagot si Gretchen.

Confirmed, ang saya-saya ng showbiz.

MARJORIE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with