Mga sinabi ni Atong ang nagpagulo
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

Lalong nagulo ang facts tungkol sa away ng Barretto girls nang magsalita si Atong Ang.

Kaloka ang interview nina Arnold Clavio at Ali Sotto kay Atong sa DZBB noong Martes dahil nang itanong sa kanya kung talagang naging girlfriend niya ang tatlong Barretto girls (Claudine, Gretchen at ang pamangkin ng mga nito na si Nicole), “Ayokong sagutin ‘yan,” ang sagot ng controversial businessman, Salve.

Nang tanungin naman kung bakit napag-uusapan ang relasyon niya sa Barretto girls, sinabi ni Atong na “Naku wala ka naman mapapatunayan hanggang hindi mo nakita na nakapatong ‘di ba?”

Kung minsan, totoo na mas mabuti pa na hindi na sinasagot ang mga kontrobersiya and let the issue die naturally.

Kung titingnan at pag-aaralan ang sagot ng Barretto girls, si Nicole ang pinaka-truthful. Diretsahan ang tumbok niya sa isyu, malinaw ang kanyang mga statement at gaya nang sinabi ni Atong, may anak at karelasyon na ang pamangkin nina Claudine at Gretchen kaya ano ang purpose nito para gawin ang pagbubunyag?

Mas malaki ang mawawala kay Nicole pero matapang na sinabi niya na inagawan siya ng boyfriend ng kanyang Tita Gretchen.

Iba naman ang version ni Gretchen, inagaw ni Nicole si Atong kay Claudine. Who is telling the truth? Who has more to gain? Loss?

At bakit nila babanggitin ang pangalan ni Atong ng basta ganoon na lang? Hindi pa rin ma-solve ang mystery at lalong nakaka-intrigue kung ano ba talaga ang magic ng isang Atong Ang para pag-awayan siya ng Barretto girls.

‘art of lying’

Bago ako naging showbiz reporter, police reporter muna ako at nag-training ako kay Ruther Batuigas, ang number one police reporter noong ‘70s?

Ang art of lying ang isa sa mga unang itinuro sa akin noon ni Ruther.

Siya ang nagsabi sa akin kung paano made-detect kapag nagsisinu­ngaling ang isang tao at paano mapapaniwala ang tao sa kasinungalingan na sinasabi mo.

The first rule is that you should be the first to believe your own lies.

Kailangan ikaw ang unang maniwala sa sasabihin mo. Second, dapat buo na sa utak ang lies na sasabihin para kapag nagsalita ka, hindi na iisipin ang kasinungalingan na binuo mo at para may conviction ang pag-deliver mo.

Usually kasi kapag nagsalita ka and at the same time nag-iisip ka ng lie na sasabihin mo, mag- i-stammer ka o mabubulol kaya magiging pahinto-hinto ang pagsasalita.

Ang natutunan ko mula kay Ruther ang madalas na gina­gamit ko na pamantayan kapag nanonood ako ng hearing sa Senate o Congress.

Now kung gagamitin sa Barretto sisters ang itinuro ni Ruther sa pagsisinungaling, sino ang nagsasabi ng totoo, sino ang sinungaling, sino ang higit na may hidden agenda?

Kayo ang humatol, maging observant sa body language nina Gretchen, Claudine at Marjorie dahil baka malaman din natin ang katotohanan sa isyu nila na pinagpipistahan ng halos lahat.

Magagamit din ang itinuro ni Ruther sa mga pahayag ni Claudine at ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto para malaman kung sino sa dalawa ang nagsasabi ng katotohanan.

Sinabi ni Claudine na pinagmumura siya ni Julia at ayaw siyang papasukin sa second night ng burol ng kanyang ama pero mariin ito na pinabulaanan ng anak ni Marjorie Barretto.

Matindi ang akusasyon ni Claudine laban kay Julia at dapat na ipagtanggol nito ang sarili dahil mas malaki ang mawawala sa kanya.

Sa ngayon, si Julia ang maraming product endorsement at hindi maganda sa kanyang image ang isyu na minura niya si Claudine.

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with