Billy at Tito Boy, judges din sa two-in-one competition, Nadine nagsalita sa suspetsang pagbubuntis
(Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Na-shock si Nadine Lustre sa kumalat na kuwentong magkakaanak na sila ni James Reid.

Ayon sa actress, paano nangyari na buntis siya.

Wala nga naman sa itsura niya nang humarap sa presscon ng Your Moment, ang pinakabagong talent-rea­lity format na bunga ng pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at Fritz Productions ng Netherlands, tampok ang samu’t saring dancing at singing acts mula sa loob at labas ng bansa at magtatanghal ng dalawang grand champion sa dalawang talent category sa finals, kung saan isa nga sa mga hurado si Nadine.

Actually, ilang weeks na itong nagsi-circulate sa social media dahil nga sa isang photo niya na lumabas sa isang IG post na parang may umbok ang tummy niya samantalang super flat ang tiyan niya at madalas super tight ang suot niya.

Pero sa nasabi nga kasing photo, though sleveless siya, pero nagkatiyan nga siya.

Paliwanag ng actress, nagkasakit siya.

Pakiusap niya na ‘wag basta-basta maniniwala sa kung anu-anong tsika tungkol sa sinasabing pagbubuntis niya dahil super untrue ‘yun.

Actually hindi naman ito ang first time na sinabing preggy ang love ni James. Ilang beses na siyang pinagbintangang buntis, pero in the end, waley namang baby sa tummy niya.

Anyway, magsisimula na sa Nobyembre 9 ang Your Moment kasama ang judges na sina international RnB sensation Billy Crawford, multimedia princess Nadine at star builder Boy Abunda na gagamit ng ‘emotion meter knob’ para bigyan ng score ang bawat performance.

Kulay at excitement nga raw ang hatid ng programa sa bawat weekend dahil sa makabago at enggrandeng set nito kung saan masasaksihan ng audience at judges ang lahat ng performances sa salit-salitang pag-ikot nito sa magkahiwalay na dan­cing stage at singing stage.

Iba-ibang karanasan ang dala ng bawat judge sa kumpetisyon na sasalain ang bawat act dahil magiging mahigpit ang mga mata ni Billy, isang world-class performer at host na may malawak na international experience, ni Nadine na minsan ding sumabak sa auditions at naging bahagi ng isang sing-and-dance girl group bago maging isang award-winning actress at recording artist; at ni Tito Boy na isang respetadong TV personality, talent manager ng ilan sa mga pinakamaningning na bituin sa bansa, at mapagkakatiwalaang talent search judge.

Samantala, papangunahan naman ang Your Moment ng multi-awarded TV personality na si Luis Manzano at dance icon na si Vhong Navarro bilang hosts.

Magsisimula sa black and white ang bawat performance ngunit habang tumatakbo ito ay unti-unting magkakakulay at magkakailaw ang stage, samantalang tatlong beses namang kailangang magbigay ng score ang judges gamit ang ‘emotion meter knob’ mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10. Lalabas din sa screen ang ‘emotion meter’ na ipapakita ang scores ng judges sa tuwing papatak sa tatlong ‘time markers’ (20 segundo, 60 segundo, at 90 segundo) ang performance.

Apat na levels ang kailangang pagdadaanan ng acts sa kumpetis­yon bago tanghaling grand champion: ang Your First Moment, Your Moment of Choice,  Your Moment of Power, at Your Grand Moment.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with