Marco
Marco closed chapter na kay Juliana!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Tatlong buwan lamang tumagal ang relasyon bilang magkasintahan nina Marco Gallo at Juliana Gomez. Ayon sa aktor ay hindi niya naramdaman ang ‘true love’ nang maging kasintahan ang nag-iisang anak nina Lucy Torres at Richard Gomez. “I believe, I didn’t find love, Like real love yet. It could be like a crush thing. It could be a temporary thing, but the real love, I don’t know what it is yet. I don’t have an explanation for it. Probably because I’m too young or probably it’s just I didn’t find it yet. Pero, siguro naman, kung totoong pagmamahal namin noon ni Juliana eh, di kami pa rin ngayon,” makahulugang pahayag ni Marco.

Para sa binata ay posibleng hindi nagtagal ang kanilang relasyon ni Juliana dahil na rin sa pagiging malayo nila sa isa’t isa. Matatandaang nanatili noon sa Italy si Marco upang makasama ang pamilya. Sa ngayon ay 19 na si Marco habang si Juliana ay 18 naman.

“Alam n’yo naman po na ang mga bata ay pabagu-bago ng isip. So alam na namin ‘yon. Sabi namin, ‘Mahirap ‘to, kapag nag-LDR (long distance relationship) tayo, baka magbago ng isip na ayaw na natin.’ Eh mas maganda naman sa personal kaysa sa cellphone. So sa personal na namin inunahan (na maghiwalay). Even at that time, masakit. Kasi siyempre…” pagtatapat ng aktor.

Kahit sa Pilipinas na nakabase si Marco ngayon ay wala naman daw balak na balikan pa ng aktor si Juliana. “Wala na eh, tapos na ‘yon, closed chapter na,” giit niya.

Patrick naging maingat para sa mga anak

Mahigit apat na taon na ang nakalilipas nang pakasalan ni Patrick Garcia si Nikka Martinez. May tatlong anak na babae na ngayon ang mag-asawa kaya naman sobrang responsable na umano ng aktor ngayon.

“I always spend time with them. If there’s something you can teach them even if it’s an assignment from school, that is important. Whenever you teach them something good and you see them do it to other people,” bungad ni Patrick.

Bilang isang ama ay talagang inuunawa ng aktor ang lahat ng pangangailangan ng tatlong anak. Ang pagkakaroon ng masayang pamilya umano ang posibleng dahilan kaya mas bumata ang itsura ni Patrick ngayon. “The challenging part is that when we grow up people change, even children change, their likes and dislikes. So whether the change is good or bad, just be very conscious of those cues in the little changes that happen. I think my secret to looking young is to always be happy. Nakakawala ‘yon ng stress kaya nagmumukha pa rin akong bata sa gano’n,” natatawang pahayag ng aktor.

11 years old na ngayon ang anak na lalaki ni Patrick kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Bihira nang lumabas sa telebisyon at pelikula si Patrick ngayon. Mas maingat na raw kasi ang aktor sa pagpili ng mga proyektong ginagawa mula nang magkaroon ng sariling pamilya. “There are lots of offers but I’m looking for the right one. It doesn’t have to be a lead role or kahit naman maliit na role basta gusto ko. Mas nakakagaan kasi magtrabaho ‘pag gusto mo ‘yung ginagawa mo. So hintay lang,” paliwanag ni Patrick.

(Reports from JCC)

MARCO GALLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with