Miguel Barretto
Daddy mike inatake raw dahil kay Marjorie?
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Pasabog na naman ni Greta

Totoo ba ang sagot ni Gretchen Barretto sa tanong sa kanya kung bakit wala ang mom niyang si Mrs. Inday Barretto sa last birthday ng dad niyang si the late Miguel Barretto ay dahil hindi ito inimbita ni Marjorie? Sa nagtanong sa absence ng mom niya sa birthday party, ang sagot ni Gretchen, “Because Marjorie did not invite my mom to the gathering & that’s what caused my dads attack.”

Sa bahay ni Marjorie ginawa ang 82nd birthday celebration ni Mr. Barretto at nabasa pa namin ang post ni Marjorie na after the celebration, nag-take lang ng nap ang ama at nagkasakit na, kaya dinala nila sa St. Luke’s Medical Center.

Nabanggit ni Gretchen after nilang magkita ng mom niya sa burol ng ama na nakwento ni Mrs. Barretto kung bakit nagkasakit ang asawa.

Samantala, hinihintay ng netizens ang pangakong pasabog ni Marjorie na unfortunatelty, ang iba ay prineempt na ni Gretchen.

Pelikula ni Sarah puwede sa lahat!

Ang tweet ni director Darryl Yap, director ng Jowable na “Ang ika-ANIM na Pelikulang nakatuntong sa Php100M mark ngayong taon. 5.5M BUDGET. 7 Days Shoot. Directorial Debut. LEAD STAR Launching. Ang Kapangyarihan ng Kwentong may Kwenta.”

Kasama sa post ni Direk Darryl na kumita na ng P105M ang Viva Films movie na launching ni Kim Molina. Sabi pala ni Kim, next year na ang follow-up movies niya.

Pero, may special participation siya sa Unforgettable  movie ni Sarah Geronimo, kaya mapapanood siya after Jowable. Fan pala ni Sarah si Kim at kilig na kilig kapag sumasama sa mall show. Nasa gilid lang siya at pinapanood si Sarah sa stage.

Bukas na, October 23 ang regular showing ng Unforgettable  na nabigyan ng “G” rating ng MTRCB. Bukod kina Sarah at Gina Pareño, magpapaiyak din sa movie ang asong si Milo na gumaganap na si Happy.

Arjo at Maine lantaran na

Puwede na palang magpakuha ng litrato na magkasama sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Hindi gaya sa mga unang beses na spotted sila na hindi sila pwedeng makunan ng litrato na magkasama at kung pumayag man, lagi silang hiwalay.

Pero, hindi na ngayon dahil sa nakaraang first birthday ng niece ni Maine, kasama niya si Arjo at may photos sila with Maine’s family. Para namang hindi totoo ang tsikang ipinatong lang sa body ng brother ni Maine ang photo ni Arjo dahil nasa picture rin ang isa sa mga kapatid na lalaki ni Maine.

Sunod na naispatan sina Maine at Arjo sa birthday party ni Rams David, ang manager ni Maine at mapapansin din na wala nang pag-iwas sa kanila makunan man sila ng video na magkasama at pumayag pa ngang magpakuha ng selfie with the other guests na karamihan taga-APT Entertainment, Triple A Management, talents ni Rams, friends and family. May picture nga kaming nakita na kasama nina Maine at Arjo ang magdyowang Kim Molina at Jerald Napoles.

MIGUEL BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with