Albie Casiño
Albie wagi sa Mr. Q & A
(Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

SEEN: Si Albie Casiño ang winner kahapon sa celebrity edition ng Mr. Q& A ng It’s Showtime dahil sa kanyang mga witty answer. Isang linggo na magaganap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang noontime show ng ABS-CBN na nagdiriwang ng 10th anniversary ngayong October 2019.

SCENE: Your Moment ang bagong reality show ng ABS-CBN. Si Billy Crawford ang host ng Your Moment at mga judge sina Nadine Lustre at Boy Abunda.

SEEN: G or for General Audience ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Unforgettable, ang pelikula ni Sarah Geronimo na joint venture ng Viva Films at The IdeaFirst Company. Puwedeng panoorin ng maliliit na bata ang Unforgettable dahil wholesome movie ito.

SCENE: Napilitan ang Bb. Pilipinas Charities Inc. na maglabas ng official statement dahil sa mabigat na akusasyon ni Bb.Pilipinas Grand International Samantha Lo na hindi ito tinulungan ng organizer ng Bb. Pilipinas nang i-detain siya sa Paris airport at i-deport  ng French immigration authorities. Kinumpirma ng BPCI na fake ang Philippine passport na ginamit ni Samantha at inamin ng mga magulang ng beauty queen na isang fixer ang tumulong sa kanilang anak para magkaroon ng passport.“We wanted to support Samantha and help her resolve this. However, in the last few days, we were no longer able to contact her or her family.

“Late Saturday night, Samantha surfaced in Caracas, Venezuela based on her social media post. We are very glad to know that she is not only safe but was welcomed by the MGI organization.

“We had chosen not to make any statements in deference to an ongoing investigation into the matter and to protect Samantha’s privacy after revelations of a fake passport had put her in this situation.

“However, due to her social media post, BPCI is forced to make a statement to ensure that only facts are presented, nothing else,” bahagi ng  pahayag ng BPCI.

ALBIE CASIñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with