Atong Ang, wala raw planong makialam sa pamilya Barretto!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

As of presstime, ayon sa isang source, walang planong makialam ang negosyanteng si Atong Ang sa gulo ng pamilya Barretto. “Di ‘yan magsasalita. Illusion lang ni Gretchen ‘yan. Pati si Tonyboy (Cojuangco), di ‘yan magsasalita. Dedma sila,” sagot ng isang taong tinanungan ko kahapon kung totoo bang magbibigay ng statement si Mr. Ang tulad sa sinabi ni Gretchen sa kanyang IG story.

Actually, dalawa silang nagsabi na walang planong makialam sa gulo ng pamilya nina Gretchen, Marjorie and Claudine si Mr. Ang na binuko mismo nina Gretchen at pamangkin niyang si Nicole (na anak ng kapatid nilang si JJ) ang ‘relasyon’ nila kay Mr. Ang na naugnay din kay Claudine.

Nauna nang nagpakita ng proof si Nicole na nag-aral nga siya sa US. “After what Gretchen and Atong did to me, I concentrated on my education,” sabi nito sa kanyang kausap sabay pakita ng kanyang photo sa Illinois College of Optometry.

Actually, lumalabas sa pagpapatuloy ng serye ng pamilya Barretto na si Mr. Ang ang pinaka-winner.

Siyempre given na ang rami ng datung niya, pero iba rin ang haba ng hair na pinag-aawayan ng magagandang babae.

Samantala, marami naman ang naguguluhan sa statement ni Gretchen na happily married daw si Mr. Ang pero separated. Tapos sinasabi raw ni Gretchen na boyfriend niya? “Ang gulo ‘di ba,” react ng isang source.

Pero ano nga kayang magic meron ang negos­yante?

At ang anak pala nila Mr. Cojuangco at Gretchen na si Dominique ay nasa San Francisco dahil may work ito doon at nagma-master kaya hindi siya nakikitang nakikisali sa ‘circus’ ng kanilang pamilya.

Pero true kaya na oo nga at mas mayaman daw si Mr. Cojuangco kesa kay Mr. Ang pero diumano’y card lang ang binibigay nito kay Gretchen ayon sa isang source. Yup, meron lang diumano na certain amount na ginagastos ang inactive actress.

Pero ‘di ba parang ang dami namang cash ni Gretchen?

Anyway, ‘yun naman daw pelikula ni Claudine with Piolo Pascual ay natatakot na ang ABS-CBN na ituloy dahil lagi raw itong may sakit.

Baka diumano magka-problema along the way dahil matagal na rin siyang hindi alaga ng Star Magic.

Kung walang work si Clau, paano kaya ang mga anak niya? Lalo na nga’t may nagkuwentong source na diumano ay hinahanapan siya ng record ng DSWD sa kanyang dalawang adopted na ipinangalan daw sa mga kasambahay niya. “Hindi legal ang adoption niya sa mga bata. Alam ko may inquiry sa kanya ang DSWD,” susog ng source.

Kakaloka na ang mga kuwento ha. Mas exciting pa sa kuwento ng mga pelikula at teleserye.

Tulad sa pelikula, magkaroon kaya ito ng resolution / ending?

Whooa ano nga kaya ang mga susunod na pangyayari?

Makialam na kaya si Pres. Duterte na naging saksi pa nang makikipag-luksa sana pero ibang eksena ang nakita?

Hihihi.

Exciting ang showbiz dahil sa kanila.

Literal na nilalamon nila ang ibang mga issue sa kasalukuyan.

 

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with