Sharon napaupo nang maapakan ang gown!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Hindi na napaluhod sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa isa’t isa sa second night ng kanilang Iconic concert na ginanap sa Ara­neta Coliseum nung nakaraang Sabado.

Sabi ng ilang nakapanood sa dalawang gabing concert, parehong maganda naman daw ang performance nila.

May ilang medley songs silang kinanta na magkaiba sa dalawang gabi.

Mas ramdam na ramdam lang daw nila nung unang gabi, kaya hindi na gaanong nag-iiyak si Sharon sa pangalawang gabi nila. Pero bongga pa rin ang performance nila.

Iyun nga lang natisod ang Megastar nang aksidenteng natapakan daw nito ang laylayan ng gown niya nang pababa ng hagdanan.

Kaya napaupo ito at sinabi nga niyang naging cushion din naman ang puwet niya.

Masaya ang dalawang icons sa music sa dalawang gabing performance nila, pero siyempre mas masaya ang mga producers na isa si Cacai Bautista dahil ang dami na raw nagi-inquire na mag-show sila sa ibang bansa.

Iyun na nga raw ang susunod na gagawin ng Iconic Concert nina Mega at Songbird. Kapag maayos na ang schedule, iikutin na ng show nila ang Amerika pati sa Canada at Europe.

Maaring pag-uusapan daw ang repeat pero hindi pa sure at mukhang matatagalan pa raw ito.

Barretto serye, newsmaker ngayong 2019

Wala na sigurong tatalo pa sa pagiging Newsmaker of the Year 2019 sa showbiz itong gulo ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine at sinamahan pa ng kanilang mga pamangkin.

Paano mo nga naman talbugan ang kuwento ng sabunutan sa burol ng kanilang ama, at saksi pa ang Presidente ng bansa?

Kaya kahit napabalita na ang pagkakaayos daw nina Kris Aquino at Nicko Falcis, pati ang nangyari kay Bb. Pilipinas Grand International Samantha Lo sa Ms. Grand International sa Venezuela, deadma na ang mga tao.

Mas sinusubaybayan nila ngayon kung ano ang susunod na pasabog ng pamilya Barretto laban sa isa’t isa.

Curious na ngayon ang lahat kung ano ang konek ni Mr. Atong Ang kina Claudine, Nicole at Gretchen Barretto.

Sinagot din niya sa social media ang tanong ilang followers tungkol kay Mr. Tonyboy Cojuangco, na sabi niya magsasalita rin daw si Dada niya.

Nandun nga sa burol si Atong Ang, na nai-post pa ni Claudine ang video na nagpaalam si Atong kay Mommy Inday nila pagkatapos ng cremation nung nakaraang Sabado ng hapon.

Pero tila hindi visible doon sa burol si Mr. Cojuangco. Pumunta kaya siya sa burol para samahan si Gretchen?

Polo nag-iipon ng pangkasal

Ang aktor na si Polo Ravales ang isa sa excited sa bagong drama series ng GMA 7 na Magkaagaw.

Ang laking bagay daw kasi nito sa kanya dahil nag-iipon na siya ngayon para sa nalalapit niyang kasal sa kanyang non-showbiz fiancée na si Paulyn Quiza, na isang fitness coach.

Mahigit two years na rin ang kanilang relasyon at nung nakaraang taon ay nag-propose na si Polo.

Naniniwala ang aktor na talagang darating sa iyo ang tamang panahon na mag-settle down.

Nagpapasalamat si Polo sa GMA 7 dahil binigyan siya ng bagong drama series pagkatapos din niyang magtrabaho sa kabila.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with