Atong wanted!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Ang name ng businessman na si Atong Ang ang lumitaw na parang importanteng karakter sa feud ng mga Barretto.

May bintang si Nicole na inagaw sa kanya ni Gretchen si Atong. May statement naman si Gret­chen na inagaw raw ni Nicole si Atong kay Claudine.

Si Nicole ang pamangkin nina Marjorie, Gretchen at Claudine na sangkot din sa kaguluhan na nangyari sa unang gabi ng burol ni Mr. Miguel Barretto sa Heritage Park noong nakaraang Miyerkules na naging big news dahil may special participation si President Rodrigo Duterte sa real-life teleserye.

Sino si Atong Ang? Ano ang major role niya sa pamilya Barretto? Bakit siya ang kasama ni Gretchen sa burol at hindi si Tonyboy Cojuangco? Napakaraming tanong na mahirap hanapin ang sagot.

Kilala namin si Atong Ang dahil bestfriend siya ng ­aming Cebu-based businessman na si Jojo Uy.

Nakasabay rin namin si Atong nang puntahan namin si Manny Pacquiao sa hotel room nito sa Las Vegas.

Pinanood namin ang laban ni Papa Manny sa Las Vegas at dito nga namin nakita si Atong na may suot na ankle bracelet dahil that time, may kaso siya sa US.

Madalas din namin nakikita si Atong sa mga event noon ng mga Estrada. Cute at charming siya, mabait at palabati.

Hindi lang namin alam kung bakit close siya sa mga pulitiko at kung ano ang business niya. Basta ang alam ko, madalas siya na nali-link sa mga aktres pero ngayon lang talaga naging public ang involvement niya, hindi lamang isa kundi  tatlo sa Barretto girls.

Bongga ang mga istorya at grabe ang issues sa Barretto girls. Well, as a man walang mawawala kay Atong.

Baka nga kinaiinggitan pa si Atong ng male population dahil pinag-aawayan at pinag-aagawan siya ng mga babae. Bongga!

Ano kaya ang meron si Atong para magkagulo ang mga Barretto? Kailangan na madiskubre ko ang magic ni Atong Ang!

Punit na relasyon…

Ang mga Barretto ang halos laman ng mga diyaryo at sila rin ang trending topic sa social media Salve.

Ang nakakaloka, very vocal na ang Barretto girls sa mga salitang binibitiwan nila na shocking para sa mga sumusubaybay sa kanilang banga­yan.

Kumbaga sa damit, hindi na talaga matatahi ang punit sa relasyon nila at kung maayos man dahil iisa ang dugo nila, hindi na completely maitatago ang punit.

Ang iniisip ko, paano ito nakakaya ng grieving mother nila na si Mommy Inday? Ngayong wala na ang asawa niya, kaninong anak siya pupunta?

Sinong anak ang patuloy na mag-aalaga kay Mommy Inday at ano ang tunay na  nasa damdamin niya?

Hindi lamang ang  dirty linens ang inilalabas sa publiko ng kanyang mga anak dahil  buong laundry na ang binuksan nila para makita ng lahat.

So, wala na talagang gusto na makipag-ayos kaya lalong lumalaki ang punit, hindi na makakaya na basta tahiin  lang dahil kailangan nang palitan ang buong tela para mabago.

Pero mangyayari ba ito? Magagawa ba na ayusin pa? Bukod sa Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto love triangle na mahigit sa isang buwan na pinagpistahan, ang  away ng Barretto girls ang  isa sa mga  long running real-life teleserye sa showbiz na hindi  puwedeng tapatan ang rating dahil “pinapanood” nga ng lahat.

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with