Ate ng pamilya, ginagamit ang salapi para magwagi sa laban!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Maraming nagpapalagay na sa matinding away pampamilya na pinanonood ng buong bayan ngayon ay mananatiling nakatayo ang isa sa kanila.

Ang magwawagi sa laban ay ang pinakamatanda sa kanilang lahat, ang female personality na simple lang umatake, pero rock!

Kung bakit ay maraming alam ang aming source, alam na alam nito ang background ng kanilang buhay, heto ang kanyang litanya.

“Marami kasing maisusumbat sa kanila si ate. Yes, si ate nga, ang pinakamayaman sa kanilang lahat! Marami siyang bala laban sa mga kapatid at pamangkin niya!

“Pera kasi ang pinagagalaw ni ate, kaya niyang bumili ng kahit sino, kaya pati ang mga tao, naiisip niya na puwede rin niyang bilhin!

“Kapag nangangailangan ang mga kapatid niya, e, siya ang knight in shining armour na biglang magpaparamdam! Siya ang sasagip sa nalulunod, siya ang magbibigay ng datung na kailangan!

“Laruan lang naman kasi para sa kanya ang datung, dekorasyon lang ‘yun sa buhay niya, kaya puwede niyang gamitin ‘yun sa pagpapabida niya sa lahat ng panahon!

“Lahat ng mga kumokontra sa kanya ngayon, walang binatbat sa kanya kapag nag-umpisa na siyang maglitanya! Nakasulat sa utak niya ang lahat ng tulong na ginawa niya!

“Walang matirahan nu’n ang isang kapatid niya, meron silang bahay ng ka-live-in niya, walang nakatira, kaya du’n pinatira ng girl ang sister niya! Pero ang nakakaloka, nu’ng kumampi ang sister niya sa away nila ng isa pang sister niya, e, pinalayas niya sa bahay ang kapatid niya!

“Isang umaga, e, may nag-text kay sister, tauhan kuno ng girl, ‘Please vacate the place the soonest time. The new owner will transfer anytime.’

“Ay, pinalabas ni sister na ibinenta na nila ng kanyang ka-live-in ang house, lilipat na agad-agad ang nakabili, kaya ang sister niya naman, e, parang daga na nawalan ng lungga!

“Ayun, naghakot agad ng mga gamit si sister, ang tumulong naman sa kanya para makakuha ng uupahang bahay, ang kinampihan niyang kapatid na si bunso!

“Kaya sa labanang ito, e, ‘yung babaeng ‘yun ang maiiwan na nakatayo! Pa-victim ang babaeng ‘yun, ginagamit niya ang salapi niya, ganu’n siya katindi!

“Mamalatin lang sa pagsangga sa kanya ang mga kapamilya niya, kasi nga, e, napakarami niyang maisusumbat sa mga kadugo niya!” napapai­ling na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Gretchen may inggit kay Julia?!

Alam ni Gretchen Barretto na ang pinakamalaking bala na puwede niyang ipambaril kay Marjorie ay ang anak nitong si Julia Barretto.

Sikat kasi si Julia, ito ang nag-aakyat nang milyones sa kanilang pamilya, kaya si Julia ang pupuntiryahin ni Gretchen para saktan nang matindi si Marjorie.

Si Julia ang sesentruhan ngayon ni Gretchen ng kanyang nakalalasong komento. Nandu’n ang pasaring na Baldivia si Julia, kaya dapat nitong laging irespeto ang kanyang ama, hindi lang tuwing kailangan nito ng publisidad.

Ayon sa isang source na nakausap namin ay matagal nang mainit ang dugo ni Gretchen kay Julia, parang may inggit na nararamdaman ang aktres sa kanyang pamangkin, dahil sumikat nga ito nang husto.

Pinag-usapan naming magkakaibigan ang pinakahuling hirit ni Gretchen kay Julia tungkol sa pagrespeto sa kanyang ama. Bog!

‘Yun ang komento ng aming mga kaibigan, bog kay Gretchen, dahil siya ngang halos triple na ng edad ni Julia ay nawalan ng respeto sa kanyang amang nakahiga pa sa kabaong.

“Alam niya naman palang ipanumbat ang pagmamahal sa tatay, pero ‘yun ang nakalimutan niya nu’ng magkagulo silang magkakapatid sa burol mismo ng father nila!

“Isusumbat niya kay Julia ang pagrespeto sa tatay niya, e, siya nga, nakaburol ang tatay niya, pero hindi niya nirespeto! Mauna muna sana niyang intindihin ang resbak niya du’n sa bata bago siya manumbat!” sabi ng kaibigan naming nawiwindang kay Gretchen.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with