Mike Barretto
Ginawang parang panaginip pagluluksa hindi iginalang ng mga Barretto!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maubos-maisip kung paano nagawa ng Barretto girls ang naganap na  sabunutan at sigawan sa mismong wake ng father nila na si Mike Barretto noong Miyerkules nang gabi sa Heritage Park, Taguig City, Salve.

Kung na-meet ninyo ang very soft spoken na si Mr. Barretto noong nabubuhay pa ito, hindi n’yo iisipin na mangyayari ang ganoong klase ng gulo sa buhay nila.

How can you disrespect such a sad moment sa buhay ng pamilya n’yo? Parang ito na ang last nail that sealed the coffin ng matagal nang family feud ng pamilya Barretto.

Para bang isa ng misteryo kung ano ba talaga ang pinag-aawayan nila, kung ano ba talaga ang ugat at hindi matapus-tapos ang issue, to the point na nangyari ang eskandalo sa harap ni President Rodrigo Duterte.

Weird, parang teleserye scenes, parang illusion at panaginip na hindi totoo.

Kung nasaan man ang kaluluwa ni Mr. Barretto sana tulungan niya na maayos, matuldukan at matapos na ang kung anuman ang tunay na dahilan ng malalim na away ng kanyang mga anak na sina Gretchen, Marjorie, Claudine at apo na si Nicole.

Hindi natapos noong Miyerkules ang feud ng Barretto girls dahil noong Thursday night, sina Marjorie at Claudine naman ang nag-away.

Ang confrontation scene ng dalawa ang dahilan kaya biglang na-confine si Claudine sa St. Luke’s Medical Center, Global City.

Hindi pinalampas ni Marjorie ang isyu tungkol sa kanilang dalawa ng kanyang bunsong kapatid. Nag-post siya sa Instagram ng mahabang statement na may pagbabanta na sasabihin na niya ang the truth and nothing but dahil sa diumano’y  patuloy na paninira sa kanya nina Gretchen at Claudine.

Vanilla meron nang solusyon sa hindi mahilig magluto

Ay naku Salve alam ko hindi ka marunong magluto at tamad ka pumunta sa palengke, now meron nang solusyon sa problema mo na sure ako matutuwa ang anak mong si Aries. Meron nang ready to cook meals ang Vanilla Pastry Coffeeshop. Sure ako type ni Aries ang lasagna at kahit ang sisig at kare-kare. Bongga di ba na aside sa mga napakasasarap na cupcakes na tinda ng Vanilla meron pang tulong sa mga tulad mo na hindi marunong magluto, ang kanilang ready to cook food. Ang galing-galing talaga ng idea ni Gunn Roque na mag-introduce nito sa coffeeshop na kilala rin sa napakamura nilang buffet lunch na talagang dinadayo ng mga employee sa paligid tulad ng taga-ABS-CBN at ilan pang kumpanya sa Mother Ignacia.

Hay naku, sure ako, maraming nagmamadaling mga mother na ayaw ng magluto pagdating ng bahay, buy na lang ready to cook masarap na mura pa at hindi ka pa mahihirapan gawin. Init mo lang sa kawali, hayun na lagay mo na sa lamesa at kain na agad-agad. 

MIKE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with