Aktor pinaghahanda sa matinding laban sa demanda ng ina
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Nakababad ngayon sa kumukulong tubig ang isang lala­king personalidad. You and me against the world ang kanyang sitwasyon ngayon dahil galit na galit sa kanya ang sarili niyang pamilya.

Pera ang pinag-uusapan ng problema. Nauna nang ini­reklamo ng kanyang kapatid ang kilalang male personality dahil sa isang property na pinakialamang ibenta ng lalaking personalidad.

Kuwento ng aming source, “But this time, mismong mommy na niya ang kalaban niya, kinasuhan na siya, dahil sa mga dokumentong pinalabas niyang totoo pero pineke lang pala!

“Hindi na kinaya ng pamilya ang ugaling padeadma ng male personality, ‘yung parang walang nangyayaring problema, pero malaki na ang sunog!

“Umuwi ang mommy niya para lang siya kasuhan, hindi siya tatantanan ng family niya hanggang sa lumabas ang katotohanan!” unang kuwento ng aming impormante.

May kuwento naman ang kampo ng aktor, pera raw niya ang ipinambili ng loteng ibinenta niya, kaya siya lang talaga ang dapat makinabang du’n.

Balik-kuwento ng aming source, “Siya kasi ang may magandang trabaho nu’n, milyunan ang kinikita niya, kaya sabi ng kaibigan ng male personality, e, pera raw niya ang ipinambili ng property na ‘yun!

“Totoo namang may pera siya nu’n, marami kasi siyang projects, sikat na sikat ang loveteam nila nu’n ng isang female personality na eventually, e, napangasawa niya nga, pero mabilis din naman silang nagkahiwalay,” madiing komento ng aming impormante.

Ayon sa mga taong may malalim na alam tungkol sa demandahan ay kailangang kumuha ng pinakamagaling na abogado ang pamosong male personality.

“Matindi ang mga kasong kinakaharap niya, nakakahiya pa, dahil mismong mommy niya ang naghain ng kaso laban sa kanya. May mga pirma kasing patutunayan ng mommy niya na hindi sa kanya!

“Paano niya ngayon dedepensahan ang sarili niya, e, kalaban niya na ang buong pamilya niya?

“Naku, ano ba naman ‘yan? Magkakapamilya na ang nagdedemandahan nang dahil lang sa isang property! Kailangang patunayan nu’ng male personality na siya nga ang bumili sa property na ‘yun at ipinangalan lang niya sa mommy niya dahil sobrang busy siya nu’ng mga panahong ‘yun!

“Araw-gabing problemado ngayon ang male personality, sa totoo lang, matinding asunto ang kailangan niyang lusutan,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pamilya Barretto, mahabang nobela

Lumabas na ang kuwento nu’ng unang gabi ng kaguluhang naganap sa mismong lamay ni Mr. Mike Barretto. Ang tangkang paninipa ni Nicole, anak ni Jay-Jay, kay Gretchen Barretto.

Ang paghanap ng tiyempo ni Gretchen na mahagip ang mahabang buhok ng kanyang pamangkin para sabunutan. Habang sinasabunutan ng aktres ang kanyang pamangkin ay hawak naman sa leeg ni Claudine ang kalaban ng kanyang ate.

Nu’ng sumunod na gabi ay meron pa ring naganap na gulo, sa pagitan naman ‘yun nina Marjorie at Claudine, nandu’n pa ang ilang manunulat na nakakita sa pangyayari.

Kuwento ng aming impormante, “Nagpa-interview kasi si Claudine, lumabas sila, pero nu’ng pabalik na siya sa chapel, ayaw na siyang papasukin ng mag-inang Marjorie at Julia.

“Ayun, nagpang-abot sina Claudine at Marjorie, sila ang nag-away, marami raw siyang galos sabi ni Claudine, kaya nagpa-rush siya sa hospital!” unang istorya ng aming source.

Wala man si Gretchen sa lamay ay alam niya ang mga nagaganap, ang isang security niya ang nagbabantay kay Claudine, nandu’n din sa lamay ang isa niyang kasambahay na si Ruby.

Matindi ang galit kay Gretchen ni Marjorie, nu’ng pinagkakasundo nga sila ni PRRD ay tahasan itong tumanggi, pero mas matindi ang galit ni Greta sa kanyang kapatid na kung tawagin niya ay fair-weather sister.

Sabi ng aming source, “Kilala lang daw siya ni Marjorie kapag may kailangan, pero kapag nakuha na ang gusto niya, e, ni hindi man lang niya maalalang kumustahin ang kapatid niya!”

Isang mahabang nobela ang kuwento tungkol sa magkakapatid na Barretto. Pero ayon sa aming impormante ay may nagpasimuno ng gulo, may direktor ‘yun at scriptwriter.

COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with