Marjorie tinawag na patay-gutom ang mga reporter?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Kahapon nang hapon na-cremate ang mga labi ni Miguel Barretto, pero wala pa kaming nakuhang detalye tungkol sa inurnment.

Iyun din kasi ang hangad ng lahat na sana isama na rin doon sa pagsunog at sa paglibing sa ama ng kontrobersyal na Barretto sisters ang lahat na galit nila sa isa’t-isa.

Sinikap ng reporters at media na makakuha ng follow up story sa gulong nangyari sa burol ng Daddy Mike nila sa Heritage Memorial Park pero naghigpit daw sa media na pumapasok.

Pero may ilan pa rin kaming mga kaibigang nakapasok at nasaksihan nila ang ilang eksena ng gulo.

Pumutok ang balitang isinugod sa hospital si Claudine Barretto na may mga galos sa braso at nahihilo raw ito.

Sabi ng ilang kaibigang press, hindi raw nila nakita kung ano ang nangyari at kung ano ang ginawa ni Marjorie Barretto kay Claudine. Pero nagulat na lang daw sila nang makita nila si Claudine sa lobby ng Heritage na umiiyak na.

Hindi raw nila alam na idederetso na pala siya ng St. Luke’s BGC.

Hindi rin narinig ng nakausap naming press na sinabi raw ni Marjorie na mga ‘patay-gutom ang media’.

Akala raw kasi ni Marjorie na si Claudine ang nagpapunta roon ng ilang movie press.

Ang iba raw kasi ay nakiramay lang talaga dahil naging close sila sa pamilya Barretto lalo na raw kay Mommy Inday.

Pero sabi nung movie press na nakausap namin, may nakikita nga raw siyang dalawang ‘gaka’ na reporters na nakatambay doon.

Parang matagal na raw silang pakalat-kalat doon sa Heritage na tingin daw nila nakikikain daw doon sa catering sa burol.

Kung totoo mang sinabi iyun ni Marjorie, hindi kaya itong mga ‘gaka’ na ito ang tinutukoy ni Marjorie na mga ‘patay-gutom’?

Ang napapansin lang namin base sa mga reaksyon ng netizens, napasama si Marjorie at karamihan at napunta ang simpatiya kay Claudine na nadamay na rin si Gretchen.

Napansin ko pa nga kahapon ng umaga ay deactiva­ted ang comments section sa Instagram account ni Marjorie, pero nang naglabas na siya ng statement niya, ibinalik niya ito uli.

Iza mas gusto ng cash kesa trophy

Bilang isa sa producers sa Metro Manila Film Festival entry na Culion, ayaw na ni Iza Calzado na maghangad ng Best Actress trophy sa nasabing pista.

Napanood niya ang trailer ng Min­danao ni Judy Ann Santos, at okay na raw mapunta sa ninang niya sa kasal ang award.  “Ang sabi ko nga ang hirap ng kalaban, tingnan mo naman ang mata o,” pakli ni Iza nang nakapanayam namin sa MMFF announcement nung nakaraang Miyerkules.

Mas hangad daw niyang kumita ang pelikula. Kaya okay lang daw kung walang award, basta kumita ang pelikula.

“Sa akin na ang cash kasi co-producer ako. Mukhang pera talaga ako, Pasko eh ‘di ba?

“Inyo na po ang award, cash na lang po ang akin, pamasko nyo na po sa akin,” natatawang sagot sa amin ni Iza nang sinabi naming mukhang silang dalawa ni Judy Ann ang maglalaban sa best actress award.

“Alam mo nga­yon, ayoko munang ma-pressure sa mga award award. Dapat today mag-celebrate lang dahil lang nakapasok kami.

“Yun lang naman ang pinakamalaking hiling namin.

“Everything else is just a bonus.

“Ayoko nang isipin yung mga award-award kasi today ang gusto lang namin makapasok. Iyun lang ang wish namin,” saad pa ng magaling na aktres.

AiAi, Christian at Lani lumipad na pa-U.S

Laban kung laban round na ang susunod nating aabangan sa The Clash ngayon at bukas nang gabi.

Pero bago ‘yan, lumipad muna ng Amerika ang Clash Panels o judges na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Magpapasaya muna sila sa mga kababayan sa Los Angeles, California bilang paghahanda na rin sa pagpasok ng Pasko.

Ito yung concert nilang All 4 You: The Clash Concert sa October 19 na gaganapin sa Arcadia Performing Arts Center sa 188 Campus Drive, Arcadia, LA.

Bukod kina AiAi, Lani at Christian na magpi-perform din ang champion ng unang season ng The Clash na si Golden Cañedo.

Bilang pasasalamat daw ang concert na ito sa mga loyal Kapuso suppor­ters ng GMA Pinoy TV at kasabay na rin nito ay ang pagdiriwang ng Filipino American History Month.

MARJORIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with