Kaluluwa ng ama, ‘di pinatatahimik!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Tiyak na hindi matatahimik ang kaluluwa ng namayapang ama ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto at apat pa nilang kapatid dahil hindi pa rin magkakasundo ang tatlong siblings.

Inakala ng marami na muling mabubuo ang pamilya ni Miguel Barretto sa burol nito pero sa halip na maging mapayapa ang kanyang wake ay lalo lamang nauwi sa gulo dahil nagpang-abot dun ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine na matagal nang may gap at away.

Isang bukas na aklat ang ilang taon nang sigalot ng Pamilya Barretto.

Kung hindi matatahimik ang kalaluluwa ni Miguel Barretto sa kinaroroonan nito ngayon, lalong mahirap sa kanilang inang si Inday Barretto ang dala-dala nito ngayon sa kanyang dibdib dahil sa away ng mga anak na hindi rin niya mabigyan ng solusyon.

Katrina malayo na ang narating 

Malayo na talaga ang narating ng tinaguriang Suklay Diva na si Katrina Velarde magmula nang siya’y mag-upload ng kanyang video na kumakanta gamit ang isang suklay bilang props as microphone. Walang kaalam-alam si Katrina na magba-viral ito na umabot ng million views.

Six years old pa lamang noon si Katrina ay mahilig na umano siyang magsasali ng mga amateur singing contests sa mga barangay maging sa mga fiesta sa probinsiya. May pagkakataon pa ngang nangupahan umano sila ng kanyang ina ng apartment sa Batangas para lamang makasali sa iba’t ibang amateur singing contests sa mga fiesta.

Ang trabaho ng kanyang ama na isang karpintero at ng kanyang ina na nagtutuhog ng mga sampaguita ay hindi umano sapat para sa kanilang anim na magkakapatid kaya nagpursige si Kat na sumali sa iba’t ibang singing contests.

Ang dalawang major singing contests on TV na kanyang sinalihan ay ang Little Big Star at X-Factor Philippines. Hindi man siya nanalo, dito naman nagsimula ang kanyang wider exposure sa telebisyon kung saan din nahasa ang kanyang confidence sa pagpe-perform. Ito rin ang naging daan niya para siya’y ikontrata ng Manila Genesis na pinamumunuan ng misis ni Gary Valenciano na si Angeli Valenciano. Namalagi siya sa nasabing talent management outfit sa loob ng pitong taon bago siya lumipat sa bakuran ng Viva.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling babalik si Katrina sa New Frontier Theater on November 29, Friday at 8PM para sa kanyang follow-up sa kanyang ginawang successful concert sa nasabi ring venue nung nakaraang February 1, 2019 na pinamagatang SiKAT Ako.

KALULUWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with