Jackie
Jackie nag-apologize
(Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

SEEN: Hindi natinag si Gretchen Barretto sa banta ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto na ibubulgar nito ang lahat ng mga sikreto niya. Ang pagsasampa ng kaso ng kanilang kapatid na si Claudine sa isang powerful personality ang patikim na rebelasyon ni Gretchen.

SCENE: Ang clarification ng isang eyewitness na hindi totoo na nahimatay si Mrs. Inday Barretto nang mag-away sa burol ng kanyang asawa noong Huwebes nang gabi ang kanilang mga anak na sina Marjorie at Claudine.

SEEN: Ang balita na alam ni Gretchen Barretto ang lahat ng mga nangyayari sa Heritage Park noong Huwebes ng gabi dahil sa mga update sa kanya ni Claudine habang nasa party siya sa isang hotel sa Taguig City.

SCENE: Ang cast party ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko noong Huwebes. Ngayong Sabado ang huling araw sa telebisyon ng horror drama series ng GMA-7 na tinatampukan nina Rayver Cruz, Megan Young, Kim Domingo at Kris Bernal.

SEEN: Nag-apologize si Jackie Forster sa Eat Bulaga dahil hindi natuloy ang guesting niya noong Huwebes sa Bawal Kumurap, Nakamamatay ng Suwerte, ang game segment ng Eat Bulaga dahil sa shoulder injury ng kanyang anak na si Kobe Paras.

SCENE: Si Apple Chiu ang winner kahapon sa Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions ng It’s Showtime. Tinalo ni Apple sina Paolo Santos, Jojo Abellana at Tuesday Vargas.

JACKIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with