MTRCB umaksiyon sa Abominable
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro na ng Movie and Tele­vision Review and Classification Board (MTRCB) na wala na sa mga sinehan ang controversial cartoon mo­vie na Abominable. Sinabi ni MTRCB Chair Rachel Arenas sa natanggap kong statement na : “MTRCB understands the situation brought about by the movie ‘Abominable. We wish to assure the public that the said movie is already off the Philippine market effective October 15,  2019.”

Nauna na ngang nagsalita si presidential spokesperson Salvador Panelo na “Depende si­guro yan sa MTRCB kung ano ang assessment nila,” sa isang interview sa presidential spokesperson.

Maalalang naging controversial ang animated movie matapos itong ipa-ban sa Vietnam dahil sa eksena na makikita ang nine-dash line sa pinag-aagawang bahagi South China Sea. Kasama ang Vietnam, Philippines, Malaysia at China sa nag-aagawan sa nasabing bahagi ng nine-dash line.

RACHEL ARENAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with