Sarah, nagpasiklab sa launch ng ABS-CBN TVplus
(Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit isang libong Kapamilya ang napa­saya ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang iba pang Kapamilya stars sa isang hapon na puno ng saya sa unang ABS-CBN TVplus Fun Familya Day sa Vista Mall Taguig noong Sabado (Okt. 13).

Dumagundong ang stage nang kantahin ng ‘ASAP’ singer ang kanyang hit song na Tala habang nagtayuan naman ang madlang pipol sa sexy dance moves ng Hashtag members na sina McCoy de Leon, Maru Delgado, Tom Doromal at Jameson Blake.

Naghiyawan naman ang fans nang mag-perform ng song and dance number sa nasabing event ang PBB Otso Batch Four ex-housemates na sina Kiara Takahasi, Wealand Ferrer, Argel Saycon at Akie Poblete pati ang PBB Otso Three ex-housemates na sina Ashley del Mundo at Tan Rocal.

Naki-bonding din sa audience ang ‘Bidaman’ finalists, Wize Estabillo, Ron Macapagal, Eris Gonzaga at Team ‘Yey’ kids sa pamamagitan ng games na nagpo-promote ng ABS-CBN TVplus channels na YeY, Cinemo, Movie Central at Asia­novela Channel.

Naroon din sa kasiyahan ang Jeepney TV na nagpa-games para i-promote ang kanilang nalalapit na ika-pitong taong anibersaryo habang nagkaroon naman ng isang mini job fair ang Trabahanap. Nagpa-raffle naman ang ABS-CBN TVplus ng TVplus Go merchandise at hindi din nagpa-daig ang Team GV Ronda na nagperform din sa mga taga-Taguig.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with