Mga naiambag ng regal hindi naisip ng MMFF?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

Hindi maiwasang may mga sumama ang loob at kumukuwestiyon sa mga pelikulang napili para sa Metro Manila Film Festival 2019.

Kaagad na may nagsulat kasing ligwak ang pelikula ni Nora Aunor at ang kay Maricel Soriano.

Nakausap ko si direk Joel Lamangan bago ang announcement ng MMFF entries at tila ramdam na niya na hindi makakapasok ang pelikula niyang Isa Pang Bahaghari na pinagbibidahan ni Ate Guy.

Aware siyang marami talagang magagandang pelikulang isinumite lalo na sa drama na genre.

Sabi naman ni direk Joel, okay lang daw sa kanya na hindi makapasok ang pelikula niya. Pero sana makapasok naman daw ang Mindanao ni direk Brillante Mendoza.

Hindi na raw kasi nakapasok last year ang pelikula ni direk Brillante, kaya sana makapasok itong Mindanao niya na marami na ring sasalihang international film festival.

Mabuti at nakapasok na ngayon pa lang ay marami nang nagsasabing makikipaglaban ito sa Best Picture category.

Tanggap na ng mga taga-Heaven’s Best Entertainment at baka isali na lang nila ito sa Summer MMFF next year.

Sayang kasi kung hindi ito mabigyan ng magandang playdate dahil napakaganda raw ng pelikula.

Isa rin ako sa nalungkot sa ‘di pagpasok ng The Heiress ng Regal Entertainment.

Nakasanayan na nating tuwing MMFF ay meron talagang pelikula ang Regal.

Mismong miyembro ng MMFF Execom na si Sen. Bong Go ang nagsasabing ang Shake, Rattle & Roll ng Regal ang talagang inaabangan daw niya tuwing MMFF.

Bukod pa riyan malaki talaga ang naiambag ng Regal sa ating movie industry, lalo na si Mother Lily na hindi nagpapabaya sa lahat na pangangaila­ngan ng industriya.

Naisip din naming sana ikinunsidera man lang ng mga taga-MMFF ang lahat ng naiambag ni Mother Lily sa movie industry, at bilang tulong na lang sana sa Regal iyung makapasok sila sa MMFF para kahit papano ay makabawi-bawi naman sila sa rami ng mga pelikula nilang hindi kumita sa takilya.

Pero may pamantayan silang sinusunod at ayaw nang kuwestiyunin iyun ni Mother Lily.

Ayaw na rin niyang magsalita at nasasanay na rin naman siyang nasasaktan, nakakalimutan at naisasantabi sa lahat na mga nagawa niya sa ating movie industry.

Gusto nang mag-move on ni Mother Lily, mag-focus na lang muna siya sa mga iba pang pelikulang ginagawa niya at napagdesisyunan na ring ipalalabas na ang  The Heiress sa November 27 na maganda namang playdate.

Panoorin na lang natin kung karapat-dapat nga ba itong iligwak sa MMFF.

Tatay ni Zoren sa sleeping pills namatay

Nakatsikahan namin si Zoren Legazpi sa MMFF announcement nung nakaraang Miyerkules dahil sinamahan niya si Carmina Villaroel na bida sa nag-iisang horror na MMFF entry, ang Sunod.

Kinumusta namin siya kaugnay sa pagluluksa ng pamilya sa pagpanaw ng kanyang amang si Lito Legazpi.

Ayon kay Zoren, hanggang ngayon ay hindi pa raw talaga nagsi-sink in sa kanya na wala na ang kanyang ama. Parang ang bilis daw ng mga pangyayari na parang wala silang panahong magluksa. “Biglaan kasi ‘yung nangyari sa amin. But in a way, it’s better that way kasi parang…sa sobrang biglaan parang hindi ka naka-react nang maayos.

“Until now nagtataka pa rin kami. Kumbaga, nangyari na ba?”

Pinabulaanan ng aktor ang unang napabalitang cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama. “Nagkaroon lang naman siya ng internal allergy eh. Walang atake. Very healthy ang lifestyle ni erpat eh.

“Ano lang talaga…meron lang siyang tinake na sleeping pills, tapos nag-react na yung katawan, yun na,” pakli ni Zoren.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw niya masasabi kung in grief pa rin ang pamilya o nasa stage na sila nang pagmu-move on.

“Parang naka-move on pa rin in a way, pero at the same time hindi pa rin kami naka-move on kasi parang hindi yata nangyari because it was so abrupt yung mga pangyayari. I can’t say na natanggap kasi parang hindi pa kami makapaniwala eh.

“Parang hindi pa rin kami makapaniwala na nangyari ba talaga? So, nandun pa lang kami sa stage ng..nangyari ba talaga. Nangangapa pa rin kami eh.

“Minsan sa bahay naisip ko ‘nasaan ba si erpat? Talaga bang nawala?

“Parang hindi namin mahanap yung…we know he’s gone pero parang…sa sobrang bilis parang ha?” dagdag na pahayag ni Zoren.

Malapit na ang Pasko at tiyak na rito na raw sila mangungulila sa kanilang ama.

“Definitely, dun na papasok din…dun namin siguro mari-realize na talagang wala na.

“Pero kasi yung phone number niya nandito pa rin hindi ko na-erase. Yung mga old pictures niya nandito pa rin,” malungkot na pahayag ni Zoren.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with