^

PSN Showbiz

Ana Capri ayaw ibunyag ang apelyido ng mister

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ana Capri ayaw ibunyag ang apelyido ng mister

Baby boy ang unang supling ng award-winning actress na si Ana Capri sa kanyang Australian husband na si Dave na kanyang isinilang nung nakaraang August. Ang kanilang baby ay pinangalanang Dylan John or DJ.

Ayaw pang i-share sa amin ni Ana ang family name ng kanyang husband dahil sobra umano itong pribadong tao. “Maybe in time,” aniya.  “Huwag lang po ngayon dahil ayaw niya,” paliwanag ni Ana nang ito’y aming makausap sa pamamagitan ng Messenger habang nag-aalaga sa kanyang baby.

Ibinahagi ni Ana ang kakaibang kaligayahan at fulfillment na kanyang nararamdaman ngayon bilang isang ina.“Kumpleto na po ang pakiramdam ko ngayon dahil meron na po akong sariling pamilya,” aniya.

Tinapos lang ni Ana ang taping ng Ngayon at Kailanman TV series na pinagbidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia at pagkatapos nito ay lumipad na siya patungong Darwin, Australia (North Territory). Ikinasal naman sila nung nakarang May 13, 2019 sa isang intimate wedding kung saan nakadalo ang mommy ng aktres at isang pamangkin.

Inamin ni Ana na buntis na umano siya nang ikasal sila ng husband niyang si Dave. “Nag-work sa amin ang LDR (long distance relationship) bago ako sumunod ng Australia,” pahayag pa ni Ana.

Sa ngayon, ayaw munang isipin ni Ana ang kanyang career dito sa Pilipinas dahil gusto muna niyang mag-focus sa bagong chapter ng kanyang buhay, ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Si Ana ay naging isang naging ganap na ina at age 40.

Bitoy at Barretto family nagdadalamhati

Parehong nagluluksa ngayon ang respective families ng mga Barretto at ng lead star at creative director ng longest-running gag show, ang Bubble Gang at rapper-singer, actor-comedian at director-producer na si Michael V. na ang tunay na pangalan ay Beethoven Michael del Valle Bunagan dahil sa magkahiwalay na pagpanaw ng kanilang ama.

Pumanaw nung nakaraang Lunes, October 14 ang ama ni Michael V. na si G. Cesar Felix Bunagan habang ang ama ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto at apat pa nilang kapatid  na si G. Miguel Barretto matapos itong isugod sa pagamutan nung nakaraang September 29, araw ng kanyang kaarawan.  Nung October 15 ay sumakabilang-buhay ito.

Marco ‘di kaya ang LDR

Lumagda kahapon (October 17) ang 18-year-old Fil-Italian ex-Pinoy Big Brother housemate-turned actor-model na si Marco Gallo sa bakuran ng Viva Artists Agency (VAA) matapos itong maging bahagi ng Star Magic ng ABS-CBN.

Thankful si Marco sa Star Magic na siyang nag-handle sa kanya after he got out from PBB in 2016 pero may mga bagay umano siyang gustong gawin na magagawa niya sa tulong ng Viva.

Ngayon ay magkakaroon umano siya ng chance na makatrabaho ang ibang Viva stars and talents.

Although naniniwala si Marco sa loveteams, as much as possible ay gusto umano niyang makatrabaho ang iba’t ibang female leads or talents kaysa ma-stuck siya sa loveteam.

Samantala, hindi umano nag-prosper ang kanilang relasyon ng kaisa-isang anak ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez dahil hindi umano siya noon ready sa isang long-distance relationship when he left for Italy para mag-aral pero pagkatapos ng six months ay muli siyang bumalik ng Pilipinas at ipinagpatuloy ang kanyang career dito.

vuukle comment

ANA CAPRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with