Gabby at Mega, ipo-produce na lang ang reunion movie
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay nagkita sa isang event ang dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Nag-duet pa ang dalawa noon sa entablado na talaga namang ikinakilig ng mga tagahanga ng tambalan nila.

Nakapag-usap na rin sina Sharon at Gabby kaya naging maayos nang muli ang kanilang turingan. Posibleng magkatambal ulit sa pelikula ang dalawa. “Okay na, nakapag-usap na kami. Positive naman. Hinihintay na lang namin na matapos ang mga shows niya,” nakangiting pahayag ni Gabby.

Matagal nang pinaplano ng aktor na makipag-ayos sa Megastar pero hindi lamang daw nagkaroon ng tamang pagkakataon. “Noong araw ko pa naman na ginugusto kong maging okay na kami. Nagkakaroon lang ng misunderstanding, misinterpretations, mixed emotions, different feelings, pasok dito (kaliwang tenga), labas dito (kanang tenga). Pero ngayon, nakapag-usap na kami na kami lang dalawa, wala ng iba. Kaya nabuo ang plano namin na sana matuloy,” pagbabahagi ng aktor.

Bukod sa pagiging mga bida ay plano raw nina Sharon at Gabby na sila rin ang maging producer ng sariling pelikula. “We don’t know yet, pero pinag-uusapan namin na kami na lang. Pero of course kailangan rin namin ng ibang producers, para everybody happy, magkakatulungan, hindi mo naman pwede solohin. So magkakaroon ng major producers,” pagtatapat ni Gabby. Matatandaang huling nagkatambal ang dating mag-asawa sa pelikulang Tayong Dalawa noong 1992.

Aga at Lea naghahanap ng magandang kuwento bago gumawa uli ng pelikula

Mapapanood na simula November 6 ang pelikulang Nuuk na pinagbibidahan nina Alice Dixson at Aga Muhlach. Masayang-masaya ang beteranong aktor dahil muli silang nagkatrabaho ni Alice sa isang pelikula.

Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang huling magkasama ang dalawa sa mga proyekto. “Sa amin naman (ni Alice), we weren’t a love team before, hindi naman kami gano’n, pero wow! At this point in time makakatrabaho ko pa si Alice who’s really amazing at nakita naman ng lahat ‘yon. So I was so excited and it was nice, because no’ng nag-shoot kami, tama nga, wala kaming issue. We’re just filming, filming, shooting, nagtrabaho kami, giving our best. Wala kaming kyeme-kyeme and hang ups,” nakangiting pahayag ni Aga.

Bulung-bulungan pa rin ngayon na posibleng magkatrabahong muli ang aktor at ang katambal noon na si Lea Salonga. Pumatok nang husto sa takilya ang Bakit Labis Kitang Mahal noong 1992 at Sana Maulit Muli noong 1995 na pinagbidahan nina Aga at Lea. “Wala naman akong pinipili, basta maganda ‘yung pelikula. Lea and I have talked about this many times and parang if we are gonna do a movie, we have to make sure na ‘yung pelikulang ‘yon eh maganda ang istorya talaga. Because if not, we’ll just keep it at that, will just stay at iiwan na lang namin ‘yung huling pelikula namin,” paliwanag ng aktor.

 Abala rin ngayon si Aga para sa shooting ng Miracle in Cell No. 7 na isa sa mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019. (Reports from JCC)

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with