Jake pasok sa movie ni Vic
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

SCENE: Ang Taguig City ang host city ng 45th Metro Manila Film Festival. Magaganap sa December 22 sa Taguig City ang Annual Parade of Stars na magsisimula sa Lakeshore sa C-6 at magwawakas sa Bonifacio Global City.

SEEN: Marami ang nagtataka dahil hindi napili na official entry sa 45th MMFF ang Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertainment na dinirek ni Joel Lamangan at bida sina Nora Aunor, Michael de Mesa at Phillip Salvador.

SCENE: Bago nagsimula ang announcement ng Magic 8 ng 45th Metro Manila Film Festival, humiling ng dasal si Boots Anson Roa para kay Mrs. Marichu Vera Perez Maceda dahil may karamdaman ito. Malaki ang kontribusyon ni Manay Ichu sa Metro Manila Film Festival.

SEEN: Si Jake Cuenca ang representative ng M-Zet Films sa announcement ng official entries sa 45th MMFF. Starring si Jake sa Mission Unstapabol: The Don Identity na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

SCENE: Si Bela Padilla ang host ng event at siya rin ang lead actress ng Miracle in Cell No.7, ang official entry ng Viva Films sa annual December film festival. Inimbitahan ni Bela ang lahat na panoorin ang pelikula nila ni Aga Muhlach dahil maganda ito.

SEEN: Cameo lamang ang participation ni John Lloyd Cruz ang paglilinaw ng producer ng Culion na official entry din sa 2019 Metro Manila Film Festival. Co-producer ng Culion si Iza Calzado na isa sa mga bida ng pelikula.

JAKE CUENCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with