Janine
Janine napalaki ng maayos
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — May movie pala si Janine Gutierrez na official entry sa QCinema International Film Festival, ang Babae at Baril.

Talagang tumulong ang GMA Artist Center sa publicity ng pelikula ni Janine dahil sila ang nag-invite sa ginanap na presscon ng Babae at Baril.

Among our actresses, isa si Janine sa may pinakamagandang mukha at gusto ko na nakatapos siya ng college bago pumasok sa showbiz.

Isang malaking achievement para sa ex-couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher na may anak sila na maganda na graduate ng Ateneo de Manila University.

Maayos ang naging gabay ni Lotlot sa pagpapalaki ng mga anak nila ni Monching na nag-aaral lahat at lumaki na mababait na bata.

Sana nga ay kumita ang Babae at Baril dahil isang role model si Janine na nakatapos ng pag-aaral before pursuing a showbiz career.

‘Respect your own opinion and feelings.’

Sa showbiz at lalo na sa tunay na buhay, you should not apologize for saying how or what you feel dahil kapag nag-apologize ka, parang hindi mo nirespeto ang feelings mo.

You should be true to yourself, saying how you feel and showing it. Parang ang sarili mo ang naging plastic kung hindi ka magiging totoo sa nararamdaman mo.

Say sorry kung talagang nagbigay komento ka sa isang bagay na hindi mo naintindihan or mali ang nakuha mo na information kaya harsh ang naging opinyon mo.

Pero kung sa isang issue talaga ang feeling mo, ilaban mo, mali o tama man dahil ‘yon stand mo.

Huwag kang ma-pressure sa bashers na kontra sa stand mo dahil ang importante, inirespeto mo ang feelings mo.

‘Yon ang nararamdaman mo,’yon ang stand mo, so be it. Mas magiging credible ka kung meron kang stand.

Hindi puwede na lagi na lang neutral ka dahil kapag safe ka lagi, mas lalo kang madidiin. Respect your opinion and feelings.

Pelikula ni Coco inaabangan kung papasok sa MMFF

Ngayong hapon ang announcement ng apat na pelikula na kukumpleto sa Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Marami ang umaasa na magiging official entry ang Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertainment dahil gandang-ganda sila sa trailer ng pelikula na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Michael de Mesa at Phillip Salvador.

Malaki rin ang tsansa na makasali sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival ang Tripol Trobol, ang pelikula nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at AiAi Delas Alas.

Tulad nang sinabi ko noon, parang hindi na kumpleto ang annual December filmfest kung walang official entry si Coco na hindi lang bida sa Tripol Trobol dahil siya rin ang direktor at producer.

Kung mapapansin ninyo, walang nagpo-post sa social media ng mga behind the scene sa shooting ng Tripol Trobol dahil isa raw ito sa pakiusap sa mga artista at production staff.

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with