Julia
Magandang aktres na may ate rin sa showbiz, parang laging may bitbit na problema ang ugali
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

Masayang nanonood ng isang serye ang isang grupo ng magkakaibigang artista. Maganda ang takbo ng kuwento ng serye, magagaling ang mga artista, pero nagulat ang aming source nang umeksena na ang isang magandang female personality.

Gulat na reaksiyon ng aming source, “Bakit bigla silang tumahimik? Bakit sila nagkatinginan? Bakit parang meron silang alam tungkol du’n sa magandang female personality?

“Halatang-halata kasi sila, e. Parang may nagdaang multo nu’ng naka-focus na sa beautiful female personality ang mga camera.

“Parang pare-pareho nilang ayaw du’n sa girl, parang meron silang karanasang hindi makakalimutan, parang ganu’n ang tingin namin sa magkakaibigang artistang nanonood nu’ng serye,” unang paglilinaw ng impormante.

Kunsabagay ay matagal nang umiikot ang kuwento na may kamalditahan ang magandang young actress. Mahirap daw siyang pakisamahan, palagi kasi siyang walang kibo, parang may sarili siyang mundo.

Kuwento uli ng aming source, “Tapos, merong isang girl sa grupo na nagsabi na malayo ang ugali ng girl na ‘yun sa sister niya. Natural, nag-isip agad kami kung sino ang sister niyang sinasabi ng grupo na mas mabait at mas totoo ang ugali.

“Nag-one-plus-one kami, hanggang sa naisip nga naming magkakasama na oo nga, cowboy makisama ang sister niya, madaling katrabaho, dahil maganda ang PR niya!

“Tama ang grupo, magaling ngang makisama ang sister ng magandang female personality, hindi katulad niya na palaging nakasimangot, namimili lang ng kinakausap!

“E, ‘yung sister niya, walang hindi binabati, kaya niyang pakisamahan ang lahat ng mga tao sa set, lalo na ang maliliit. Malayo nga ang ugali niya sa sister niya!” dagdag na kuwento ng aming source.

Meron daw kasing bitbit na problema ang magandang young actress, mula raw nang mangyari ‘yun sa kanilang pamilya ay parang naging mailap na siya sa kahit sino, kaya kahit ang mga katrabaho niya ay may nasasabi sa kanyang ugali.

Isang source naman ang nagtanggol sa magandang aktres, “Mabait naman siya, in fairness, pero hindi nga lang kasing-cowboy ng ate niya na talagang sanay na sanay nang makisama.

“Pero hindi naman siya ‘yung tipong naninira ng mga kasamahan niyang artista, tahimik lang siya, mahirap lang kapain ang attitude niya dahil palagi lang siyang tahimik na parang may sariling mundo siya.

“Malditics ang tawag sa kanya ng grupo. Puwede nga naman, dahil may kamalditahan siya. Sayang, ang ganda-ganda pa naman niya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Julia binantaan si Yassi?!

Ayan, pinaglalaruan na sa social media ang one-liner ni Julia Montes na “What is not yours is not yours.,” ang dami-dami nang nagbibigay ng ispekulasyon kung sino ang kanyang pina     tatamaan.

Natural, ang unang pumasok sa isip ng mga nakakabasa sa kanyang post ay si Yassi Pressman na napapabalitang karelasyon din ng kanyang boyfriend na si Coco Martin, may iba pa raw bang puwedeng paringgan si Julia?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalantad sa publiko sina Coco at Julia bilang magkarelasyon. Maraming kapwa nila artista ang nakakaalam ng totoo pero hindi pa rin diretsong umaamin ang dalawa tungkol sa tunay nilang sitwasyon.

Isang source ang nagkuwento na minsan ay tumawag si Julia kay Coco habang nasa taping siya ng seryeng pinagbidahan niya. Parang nagre-report si Julia na may eksenang yayakapin siya ng kanyang kapareha.

Sabi ng source, “Ang sabi ni Coco, e, huwag daw siyang papayag sa ganu’ng eksena, siya raw ang dapat masunod, dahil siya ang artista. Ayaw niyang gawin ni Julia yung eksenang makikipagyakapan siya,” kuwento ng source.

Pero parang nakatago lang sa kahon si Julia na hindi pinaninindigan ni Coco, tuloy ay nauugnay ang pangalan ng action star kay Yassi Pressman na ayon sa mga nakakakuwentuhan namin ay mabait, simple at napakaganda.

Pero meron na ngang warning si Julia Montes, ang hindi sa iyo ay hindi para sa iyo, ganu’n ang datingan ng kanyang post.

Sa tanong kung naniniwala ba kaming magkarelasyon sina Coco at Yassi ay oo ang mabilis naming magiging sagot.

Sa tagal na ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa Ang Probinsyano, sa gandang ‘yun ni Yassi, santo ba ang action star para hindi madarang sa ganda at kabaitan ni Ms. Pressman?

AKTRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with