Sikat na aktor idinemanda ng sariling ina!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

May kinalaman sa pera…

Isa sa nga araw na ito ay mababalita rin kung anong kaso ang isinampa ng isang ina sa kanyang anak na isang sikat na aktor.

Ayaw pa munang ikuwento sa amin ang buong detalye pero kahapon ng umaga ay pormal na nagsampa ng kaso ang ina nitong sikat na aktor.

May kinalaman daw sa pera ang reklamo ng ina ni aktor.

Nakuha lang daw nito ang sapat na ebidensya sa isang bangko, kaya nagsampa na ito ng demanda.

Sinamahan ang nanay ng isang kapatid ni aktor na hindi rin nito kasundo.

Kaya ayaw lang daw muna nilang magsalita, dahil na rin sa payo ng kanilang abogado at mahirap na raw na ilabas kaagad-agad dahil isyu ito ng pamilya.

Kami naman ay umaasang maayos nila ito bago pa kumalat dahil hindi nga naman ito nakakatulong sa kanila.

Hindi gaanong nagsasalita si aktor, kaya inaasahan na naming ayaw niya itong pag-usapan.

Hangad din naming magkaayos na lang sila dahil hindi rin magandang tingnan na pera at ilang properties ang pinag-aawayan nila.

Dennis relate na relate sa mga inagawan

Napag-usapan ang isyung agawan ng taong mahal mo sa mediacon ng bagong drama series ng GMA 7 na Magkaagaw, Isa sa mga bida rito si Sunshine Dizon na sinasabi naman niyang bukas na bukas naman sa publiko ang isyu niya sa kanyang estranged husband na si Timothy Tan, kaya huwag na raw siyang tanungin tungkol sa isyung agawan.

Tinanong kasi namin sa buong cast na kung naranasan ba nilang maagawan ng mahal sa buhay at kung paano nila ito na-handle.

Kasama sa cast si Dennis Padilla kaya inabangan ang sagot niya.

Hindi raw ito naranasan ng ibang miyembro ng cast na sina Sheryl Cruz, Klea Pineda, Jeric Gonzales, Polo Ravales, Isay Alvarez, Joanna Marie Tan at Patricia Tumulak.

Pagdating kay Dennis, ayaw na rin sana niyang sagutin dahil alam na raw yan  ng lahat.

Ang kaibahan lang daw niya kay Sunshine, hindi raw nangyari sa isang building.

Hindi naman umabot sa demandahan ang sa kanya pero sobrang nasaktan daw siya nung panahong iyun.

Nagpakatatag na lang daw siya alang-alang sa kanyang mga anak.

“Kailangan mong maging matibay lalo na pag may mga anak kayo. Kailangan mo talaga maging matibay.

“Ang una mong iisipin, ang katayuan ng mga anak mo bago ang sarili mo. Kaya very important talaga na iyung lakas mo iyun ang makikita ng mga anak mo. Kasi hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan, dahil ang kahinaan na ‘yun baka iyun ang maging problema ng mga anak mo habang nawala yun.

“Iyun ang natutunan ko sa buhay. Malalim, masakit but you have to be strong. Pag nalaglag ka, kailangan bumangon ka na rin,” pahayag ni Dennis.

Matagal na rin naman daw siyang nakapag-move on at masaya na raw sila sa kani-kanilang buhay.

“Meron na rin akong partner, maganda rin naman.

“Yun lang. Natutuwa naman siya dahil naging partner niya ang isang pinakaguwapong comedian ngayon,” pagbibiro pa ni Dennis.

Dagdag sa magic 8 ng MMFF tinututukan

Ngayong hapon ay ia-announce na sa Club Filipino ang apat na pelikulang napili na papasok sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2019.

Napapag-usapan na nga ang posibleng makapasok dahil mahigpit talaga ang labanan. Ang dami kasing magagandang entries na isinali. Malayung-malayo raw ito sa mga isinumite nung nakaraang taon.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, mukhang may laban ang pelikula ni Coco Martin kasama sina AiAi delas Alas at Jennylyn Mercado na may tentative title na Triple Trobol, dahil nag-iisa lang ito sa genre niyang action/adventure.

Sa drama talaga ang mahigpit ang labanan dahil nandiyan na ang Miracle at Cell No. 7 ni Aga Muhlach.

Kaya kung sakali, baka isang drama na lang ang ipapasok.

Madaming magaganda sa kategoryang ito, kaya wala talaga tayong ideya kung alin dun ang mapipili.

Ang nabalitaan lang namin, may dalawang drama movies na gustung-gusto raw ng ilang miyembro ng selection committee at pinalakpakan pa nga raw nila ito.

Ang isa pang gusto rin sana naming makapasok ay ang isa pang horror movie na ang The Heiress ng Regal.

AKTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with