Jeric at Klea masusubukan sa biggest break
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang pagbisita ni Gretchen Barretto sa burol ng kanyang ama ang inaabangan ng lahat. Sumakabilang-buhay kahapon sa edad na 82 ang ama ni Gretchen na si Miguel Barretto.

SCENE: Nagdiwang si Joey de Leon ng 73rd birthday noong Lunes, October 14, sa Turkey, kasama ang misis niya na si Eileen. Dalawang linggo ang kanilang bakasyon. Under renovation ang bahay nina Joey at Eileen sa Greenmeadows, QC kaya pansamantala sila na naninirahan sa isang condominium building sa Pasig City.

SEEN: Kahapon ang unang araw ng taping ni Polo Ravales para sa Magkaagaw, ang afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa October. Si Polo ang gaganap na love interest ni Sunshine Dizon. Ang dalawa ang reel and real loveteam noong mga teenager pa lamang sila. 

SCENE: Ang Magkaagaw ang biggest television break nina Jeric Gonzales at Klea Pineda dahil sila ang lead stars.

SEEN: Si Alyssa Muhlach ang kapareha ni Dennis Trillo sa Hellcome Home, ang Halloween presentation ng Star Cinema. Si Beauty Gonzales ang gumaganap na nanay ni Teejay Marquez sa pelikula. Sa tunay na buhay, hindi nagkakalayo ang edad ng dalawa at may balita na mas matanda pa si Teejay kesa kay Beauty. Twenty eight-years-old si Beauty samantalang ibinulgar ng isang ex-special friend ni Teejay na 32-years-old na ang aktor.

 Si Bobby Bonifacio ang direktor ng Hellcome Home at malaki ang pasasalamat niya sa Star Cine­ma dahil ipinagkatiwala sa kanya ang proyekto.

GRETCHEN BARRETTO MIGUEL BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with