Joem hindi alam kung paano magpo-propose sa GF!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

Mahigit walong taon nang karelasyon ni Joem Bascon si Crisha Uy. May ilang sikreto umano ang magkasintahan kaya napananatiling maayos ang kanilang relasyon. “Siyempre may kanya-kanyang sikreto ‘yung mga couples. I think ano lang, hindi ko alam, dahil adventurous kaming dalawa? We try different things na magkasama. We do stuff together. Hindi ko alam kung magiging bonus na lang sa akin ‘yung lagi akong may work. Lagi din siya may work. So parang ‘pag nagsasama kami, talagang sobrang miss namin ‘yung isa’t isa. So hindi kami ‘yung nagkakasawaan. Kasi usually ‘pag everyday we have responsibilities and things to do. Kaya ‘pag nagsasama kami ‘yan magkukulitan na kami. ‘Yun lang,” pagbabahagi ni Joem.

Naipakilala na rin ng aktor ang kasintahan sa mga magulang na nasa ibang bansa. May ilang mga nagsasabi na posibleng ito na ang hudyat nang pagpapakasal nina Joem at Crisha. “I’m happy nakilala nila. Wala na, puwede na kami magpakasal. Nag-iipon na, konti na lang. I’m hoping na sa lahat ng mga films na ginagawa ko ay makaipon ako,” natatawang pahayag ng binata.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Joem kung kailan at paano ang gagawing wedding proposal sa dalaga. “I don’t know. Hindi ko pa masasabi kung may grand proposal. Basta may proposal, hindi ko lang alam kung paano gagawin,” pagtatapos ng aktor.

Maine, masaya kahit hindi pinalad sa PBB

Mamayang gabi na gaganapin sa SM Mega Mall Cinema 1 ang premiere night ng pelikulang Isa Pa With Feelings na pinagbibidahan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino. Masayang-masaya si Maine na nakapagtrabaho siya sa bakuran ng ABS-CBN na minsan na rin niyang pinangarap noon.

Matatandaang nag-audition ang aktres para sa Pinoy Big Brother noong 2014. “Naisipan ko lang mag-audition, may nagsabi sa akin. May nag-invite kung gusto ko bang mag-audition for PBB. Ako naman, even before, honest naman ako na gusto ko talagang makasali sa PBB. So nakita rin na baka ito na rin ‘yung chance. So ‘yun na nga ‘yung chance, pero hindi pa ‘yon ang tamang panahon,” nakangiting kwento ni Maine.

Kahit hindi pinalad na makapasok sa loob ng Bahay ni Kuya ay masaya naman umano ang aktres sa kanyang naranasan sa ginawang audition. “Nagsimula ako no’n alas-sais nang umaga hanggang ala-una ng umaga. Pero umuwi ako ng sad, pero okay lang, masaya ‘yung experience,” giit pa niya.

Mapapanood na sa mga sinehan simula bukas ang Isa Pa With Feelings na u­nang tambalan nina Maine at Carlo. (Reports from JCC)

CRISHA UY JOEM BASCON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with