Kung ang itinago Aktor lantad na ang relasyon sa bagong GF!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

Sabi ng mga nakamasid lang ay lumabas na raw ang daga sa kanyang lungga! Nagpaparamdam na! Ang kanilang tinutukoy ay ang karelasyon ng isang pamosong male personality na mukhang itinatago naman sa loob ng kahon at hindi pinaninindigan.

?Napakatagal na nilang magkarelasyon pero mula nu’n hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umaamin. Kaninong desisyon nga ba ang paglilihim sa kanilang relasyon?

?Kuwento ng isang source, “Napakaraming nakakaalam na matagal na silang mag-boyfriend. Maitatago ba naman nila ‘yun? E, di nga ba’t napapabalita na ngang magka-live-in sila?

?“Pero kahit anong usisa ang gawin ng mga reporters sa girl, e, ngiti lang ang isinasagot niya. Ang male personality naman, e, de-primerang pikon!

?“Ayaw niyang nasusulat ang lovelife niya at ang mga nangyayari sa kanila ng girl, alam kaya ng lalaking ‘yun kung anong trabaho ang pinasok niya?

?“Kung ayaw niyang napag-uusapan ang private life niya, e, umalis siya sa pagiging public figure! Napakalaki ng utang na loob niya sa propesyon niya, yumaman siya nang dahil sa pag-aartista, pero kung bakit ayaw niyang natatanong ang pribadong buhay niya!” inis na komento ng aming impormante.

?Ngayon ay mukhang gising na sa katotohanan ang girl na may iba pa palang pinagkakaabalahan ang pamosong male personality bukod sa kanya.

?Lumutang na kasi ang kuwentong hindi lang pala pangharap ng mga ca­mera ang ugnayan ng sikat na aktor at ng isang magandang female persona­lity. Kahit pala walang mga ilaw at camera ay tuloy ang kanilang ligaya.

?Patuloy ng aming source, “Napakasakit naman kasi talaga nu’n! Heto nga naman siya, matagal na silang magkarelasyon, pero hindi naman pinaninindigan ng lalaki!

?“Kung anu-ano na nga ang naganap sa kanila, hindi na basta magkarelasyon lang, tapos, e, makararating sa kanya ang kuwentong may kasalo pala siya sa pagmamahal ng boyfriend niya?

?“Talagang magwawala ang girl, tulad din ng paghagulgol nu’ng magandang aktres nu’ng malaman niyang may pinag-uusapan na palang baby tungkol sa dalawa!

?“Hindi naman taga-probinsiya ang dalawang babaeng ‘yun para hindi magkaamuyan tungkol sa papel nila sa buhay ng sikat na male personality, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Gretchen tuloy ang pagmamatigas sa amang nasa ICU

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sumisilip man lang si Gretchen Barretto sa maysakit niyang ama. Nandu’n palagi ang kanyang mga kapatid pero wala ang aktres.

?Nandu’n na tayo. Hindi naman lihim sa publiko na dekada na ang hindi pagkakaunawaan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang. Kung sino ang tama at mali sa kanilang hidwaan ay sila-sila lang ang nakakaalam.

?Pero maraming nagtatanong, gaano raw ba katigas ang puso ni Gretchen para kayanin niyang hindi man lang puntahan ang kanyang amang maysakit, bilang respeto ay hindi niya ba maaa­ring isantabi muna ang kung anumang hindi nila pagkakaunawaan?

?Hindi simple ang pagkakasakit ng kanyang ama, nakikipaglaban sa buhay ngayon si Daddy Mike, dasal ng mas nakararami ay mahanap daw sana ni Gretchen sa kanyang puso ang pagpapakumbaba.

?Hindi lang naman laway ang nilulunok, ang pride rin, kung kinakailangan. Hindi naman makababawas sa kanyang ganda kung siya na mismo ang gagawa ng unang hakbang para magkausap sila ng kanyang mga magulang.

?Matalino si Gretchen, siguradong alam niya ang nilalaman ng Sampung Utos, ma­linaw na nandu’n ang kautusan para irespeto-igalang ng anak ang kanyang ama at ina.

?At ‘yun lang ang may regalo, may pangako, na ang anak na rumerespeto sa kanyang mga magulang ay magkakaroon ng mahabang buhay at magandang kinabukasan.

?Maaaring napakalalim nga ng dahilan kung bakit kinakaya ni Gretchen ang ganu’ng sitwasyon sa loob nang mahabang panahon. Pero ang magulang ay magulang at ang anak ay anak LANG.

?Ang unang tanong na siguradong mag­hahagilap si Gretchen ng maitutugon ay isa lang—nasa mundong ibabaw ba siya ngayon kung hindi dahil sa kanyang mga magulang?

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with