Jolina dinipensa ang pagiging Blogger
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

Vlogger na rin si momshie Jolina Magdangal.

So far, more than 100,000 na ang followes niya.

Pero ayon kay Jolens, hindi lang naman sa kanya ‘yun. Share silang mag-asawa, si Mark Escueta.

Kasama nga ang mag-asawa sa mga celebrity na nag-e-enjoy sa pagiging vlogger. Maraming nagsasabi na hindi na raw nakuntento ang mga artista sa movie and TV career nila at talagang kino-compete na rin ang mga social media star.

Anong reaction dito ni Jolens : “Siyempre ‘yung artista, tao rin naman ‘yan. Kailangan ding mag-evolve. Saka wala naman rule kung sino ang puwedeng gumamit at hindi puwedeng mag-promote.

“Saka bilang artista marami pa naman kaming puwedeng i-share na hindi pa rin nila nakikita,” katuwiran ni momshie Jolens.

May ilan nga kasing nagnenega ngayon sa mga artistang vlogger na rin na kesyo kaya madali raw ang buhay ng ibang artista ngayon dahil nga inilantad na nilang lahat ang buhay sa publiko through social media / digital platform.

Pero sabi nga ni Jolens nang maka­tsika namin sa ginanap OctoberFresh ng Bountry Fresh kahapon, imbes na maghilahan pababa ang ibang pumupuna sa kanilang mga artistang vlogger, magtulungan na lang sila.

Besides, kung career ang pag-uusapan, no one can argue sa magandang takbo ng career niya na walang social media o digital platform.

Anyway, dahil sa hilig ni Jolens kumain ng itlog at magluto ng manok, kasama siya sa ginanap na World Chicken and Egg Day 2019 ng Bounty Fresh, ang leading provider ng chicken and premium egg products  na nasa ika-third year na palang may ganitong event.

Consistent sila sa kanilang goal to raise awareness tungkol sa nutritional value ng pagkain ng itlog at iba pang chicken products na malaki ang tulong sa ating everyday diet. “Ako talaga, everyday, every morning, minsan nagbabaon pa ako, lagi yang kasama. Kasi parang nakakaganang kumain pag may egg,” tsika ni Jolens.

Kaya naman daw pati ang mga anak niya mahilig talagang kumain nito.

Eh may time pa ba siyang magluto?

“Pag alam kong may taping for the whole week, nagluluto na ako ng marami. Tapos ilalagay ko sa ref para iinitin na lang nila,” sabi pa ng actress / TV host.

Pero ayaw niya pa ring isipin na magaling na siyang nanay. Lagi pa rin niyang gustong matuto sa ibang mga nanay.

Anyway, ang Philippine World Chicken and Egg Day na ginanap last Saturday sa Trinoma activity center ay simultaneously celebrated in other parts of the world ayon kay Ms. Patricia Cheng-Lim, Assistant Vice President for Marketing ng Bounty Fresh. May celebration din nito sa Australia, UK, USA, Brazil, France and ibang Asian countries like Vietnam and Indonesia.

JOLINA MAGDANGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with