Marian
Marian ayaw patulan ang bintang na matapobre!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

Dahil sa me time sa traffic

As of presstime, hindi pa nasagot ni Marian Rivera ang text ko sa kanya kung gusto niyang sagutin ang bashing ng ilang netizens kaugnay sa interview sa kanya sa launching niya bilang first celebrity endorser ng Walter Mart na ginanap sa W Mall nung nakaraang Martes, October 8.

Doon kasi sa question and answer portion ng media launch, hiningan ng komento si Marian sa lumalalang traffic dito sa atin.

Na-misinterpret ang sagot niyang; “Parang matagal nang may traffic. Wala nang dahilan para ikunsumi mo sarili mo sa traffic.

“Kung may lakad ka, eh di pumunta ka ahead of time para hindi ka ma-trapik.

“Sa sasakyan, ‘pag trapik, andaming puwedeng gawin. Mag-cellphone ka, magsulat ka, eh di yun ‘yung ‘me’ time mo sa sarili mo, di ba?

“So, ang daming puwedeng gawin mo pag traffic.”

Nag-react ang ilang netizens na sa kanilang tingin lumalabas daw ang pagka-matapobre ni Marian, nagpapa-burgis daw.

Ang tatlo o apat na oras na na-stuck ka sa traffic ay ‘me’ time lang daw pala iyun sa kagaya niyang mayaman.

Hindi raw nararamdaman ni Marian ang hirap ng mga commuters na kailangang humabol sa tamang oras nang pagpasok sa trabaho.

Sa tagal na rin nang pagkakilala namin kay Marian, unfair namang pagbintangan siyang matapobre.

Hindi naman nakakalimot ang aktres sa pinanggalingan niya, at kung nakita lang sana nila kung paano siya magtrato sa mga katrabaho niya sa taping at shootings mula sa maliliit na staff hanggang sa co-stars niya.

Sa isyu naman ng traffic, wala naman itong pinipili na mga tao, mayaman man o mahirap.

Para kay Marian, iyun ang ‘me’ time niya at ayaw na niyang magpakanega o isumpa ang gobyerno dala nang matinding traffic.

May magagawa pa ba tayo?

At hindi yata aware ang ilang netizens na napakahigpit sa oras ang mga artistang nagti-taping o nagsu-shooting o may dadaluhang event.

Karamihang mga programa ngayon sa malalaking TV stations, bawal ang ma-late. May bawas sa talent fee ng artista kapag nali-late, at iba na ang tingin sa ‘yo ng mga co-star mo ‘pag pinaghintay mo sila sa set.

Kung may dadaluhang mahalagang event kagaya nitong sa Walter Mart ni Marian, hindi siya puwedeng ma-late dun dahil alam niyang maraming taong naghihintay, nakakahiya at baka lalong maalipusta sa social media.

Kaya napakaaga nilang umalis ng bahay para hindi na ma-late nang dating.

Saan doon ang pagmamata sa mga mahihirap?

Hindi pa sumasagot si Marian na malamang ibig sabihin ay ayaw niyang patulan ang isyu.

Sa interview ring iyun, naibahagi rin ni Marian kung paano nila ni Dingdong dinidisiplina ang kanilang anak na si Zia.

Hindi puwedeng masunod ang lahat na luho ng bagets lalo na kung meron itong pinapabili.

Kuwento ni Marian kapag namimili raw sila o nagu-grocery; “Kumukuha siya (Zia) pero nagpapaalam siya. Iyun ang in-apply namin sa kanya.

“Everytime na meron kang gusto, kailangan nagpapaalam ka. Kailangan sasabihin mo.

“Saka kapag binibigyan namin siya ng gift, mamimili siya halimbawa sa toy store, isa lang. Hindi puwede lahat, mamili ka, hindi puwede lahat, isa lang.”

Ken hasang-hasa na sa pagho-host

Maganda ang feedback sa mga produkto ng The Clash na sina Garret Bolden, Jong Madaliday, at ang kauna-unahang champion na si Golden Canedo, kasama sina Princess Velasco at Ken Chan na nag-perform sa second night ng Pinoy Playlist na ginanap sa BGC Arts Center nung nakaraang Sabado.

Si Golden ang talagang pinalakpakan nang husto dahil magaling naman talaga siyang kumanta.

Pinuri si Ken sa pagiging professional niya dahil kalalabas lang pala niya ng hospital nun, pero tumuloy pa rin siya. Pero hasang-hasa na kasi talaga si Ken sa paghu-host kaya nagamit niya ito sa performance nila sa Pinoy Playlist.

Samantala, nabuo na ang 32 top clashers sa second season ng The Clash.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with