_ngayon
^

PSN Showbiz

Ibang detalye sa kasalni Richard at Sarah, ibubunyag sa iba’t-ibang ABS-CBN shows

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ibang detalye sa kasalni Richard at Sarah, ibubunyag sa ibaât-ibang ABS-CBN shows
Sarah & Richard

Yup, makaka-join ang lahat ng manonood sa paghahanda nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa kanilang inaabangang kasalan sa Marso 2020 dahil matutunghayan ito sa iba’t ibang palabas at platforms ng ABS-CBN.

“Nagpapasalamat kami sa ABS-CBN, sa bosses namin, sa ASAP family namin, at sa singers a kumanta. Parang practice na sa kasal namin,” papuri ni Sarah na naiyak sa kanilang performance sa ASAP Natin ‘To last Sunday.

 Masusundan pa ito ng iba’t ibang guesting nila sa programa at digital platforms ng Kapamilya Network para sa ekslusibong kuwento at pasilip sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal.

Lubos na masaya ang dalawa sa engrandeng pagsalubong at ipinapadamang pagmamahal ng lahat sa panibagong yugto ng kanilang relasyon.

Ibinahagi naman nila na nag-uumpisa na silang plantsahin ang kanilang guest list at magiging principal sponsors. Nakatakda ring lumipad pa-ibang bansa si Sarah sa susunod na buwan upang magsukat ng kanyang wedding gown.

 

RICHARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with