^

PSN Showbiz

Mga batang negosyanteng sina Cris, Aileen at Rhea walang mga pahinga

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga batang negosyanteng sina Cris, Aileen at Rhea walang mga pahinga
Cris & Aileen

Grabe pala talaga ang schedule ng friends natin na sina Cris Roque ng Kamiseta, Aileen Go ng MegaSoft at Rhea Tan ng Beautéderm, Salve.

Talagang halos libutin nila ang buong Pilipinas dahil sa kanilang mga negosyo.

Kailangan nila na mag-check sa branches at kadalasan, kasama nila sa mga meet- and-greet ang kanilang mga celebrity endorser, lalo na si Aileen na mga school ang dinadalaw dahil kasama ito sa kanyang charity works.

Si Cris Roque ng Kamiseta, upgrading naman ang reason kaya madalas sa biyahe. Kailangan ni Cris na makita ang new prints for her Kamiseta Apparel at new technique and technology para sa Kamiseta Skin clinic niya.

Si Rhea Tan ng Beautéderm, all over the country and abroad na ang reach ng kanyang beauty products na word of mouth.

Sinasabi ng lahat ng guma­gamit ng Beautéderm pro­ducts na maganda ito na gamitin dahil malaki ang improvement ng skin nila.

Big deal sa tuwing nagpapatawag ang tatlo ng lunch dates dahil alam ko na isini­singit lamang nila sa kanilang busy schedule ang pakikipagkita sa akin. Congrats and more powers ladies of subs­tance. Bongga kayo.

Roxanne nanggulat sa magandang boses!

Hindi na pala matutuloy ang pasya ni Roxanne Barcelo na mag-migrate sa Amerika para doon hanapin  ang  kapalaran.

Nang mag-decide si Roxanne na mag-quit for good sa showbiz noong May 2019, saka naman namatay ang tatay niya dahil sa stroke.

Binawian ng buhay sa Amerika ang ama ni Roxanne noong June 30, 2019 pero matagal muna ito na na-confine sa ospital.

Umabot sa mahigit isang milyong dolyar ang hospital expenses ng pamilya ni Roxanne pero marami ang tumulong sa kanila kaya nagpapasalamat nang husto ang kanyang madasalin na nanay.

Dahil sa pagpanaw ng tatay niya, muling bumalik si Roxanne sa Pilipinas, kasama ang kanyang ina at kapatid na si Timi.

Ang sabi ng nanay ni Roxanne, sinusubukan ni Tim na mag-apply ng trabaho sa Taiwan. At kung kailan naman seryoso si Roxanne na mag-quit sa showbiz, saka sunod-sunod ang mga movie at TV offer na natanggap niya kaya naniniwala ang aktres na pinapatnubayan siya ng kanyang ama.

Graduate ng culinary arts si Ro­xanne kaya buo na ang pasya niya noon na magtrabaho sa Amerika bilang chef. Kino-consider din ni Roxanne na mag-apply sa isang US company dahil college graduate din siya sa Miriam College hanggang mangyari ang trahedya na kinatatakutan niya, ang pagkawala ng kanyang ama.

Ang tatay ni Roxanne ang nagpayo sa aktres na balikan at seryosohin ang singing career dahil singer talaga ang kanyang anak.

Sinunod ni Roxanne ang bilin ng tatay niya at tama ang kanyang ginawa dahil tinanghal siya na daily winner sa Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions ng It’s Showtime.

Nagulat ang televiewers dahil hindi nila inaasahan na magaling na singer si Roxanne.

Nagkuwento si Roxanne at ang kanyang ina tungkol sa pagpanaw ng mahal nila sa buhay sa presscon ng The Art of Ligaw, ang pelikula na pinagbibidahan nina Roxanne, Epy Quizon at KZ Tandingan.

vuukle comment

CRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with