^
Gabby ibinuko ang detalye ng pagbabati nila ni Sharon
Rhea & Gabby

Gabby ibinuko ang detalye ng pagbabati nila ni Sharon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

Gusto ni Gabby Concepcion na good vibes lang ang pag-uusapan nang humarap siya sa movie press kahapon ng tanghali sa launching bilang bagong brand ambassador ng Beautéderm.

Ang unang napasaya kahapon ay si Ms. Rhea Tan ng Beautéderm dahil doon niya ipinakita ang lagi niyang baon kahit saan siya magpunta.

Nasa bulsa niya ang Au Revoir Skin Soothing Oil na pampatanggal daw ng stress at pagod.

Palagi ring nasa bulsa niya ang Beaute Balm dahil aminado naman siyang may mga konting lines na siya sa tabi ng mata niya kaya ang laki nang nagagawa nito.

Aminado naman siyang kailangan na niya ito ngayon, kaya medyo may pagka-vain na rin siya.

Bilang fan lalo na sa loveteam nila ni Sharon Cuneta, na-excite din si Ms. Rhea Tan sa posibilidad na matutuloy na rin ang pelikulang pagsasamahan nina Gabby at Sharon.

Interesado rin nga siyang makipag-co-produce kung gagawin na ito nina Sharon at Gabby. Sila na raw kasi ang magpu-produce, pero welcome rin daw ang ibang produ­cers na gustong sumali sa production.

Iyun daw ang isa sa napag-usapan nila ni Sharon nang magkaayos sila sa grand gathering ng Gabay Guro na ginanap sa SM MOA Arena nung nakaraang September 22.

Nung araw na iyun ay naramdaman daw ni Gabby na iyun na ang tamang timing para makapag-usap sila ni Sharon.

Mabuti at umokay naman daw si Sharon, kaya silang dalawa lang daw ang nag-usap sa loob ng kuwarto at nagkaayos silang dalawa.

Nilinaw na rin ni Gabby na kaya hindi natuloy ang movie project na pagsasamahan dapat nila noon ay dahil wala raw talagang magandang script para sa kanilang dalawa.

Kaya ngayon ay gustong iparating ni Gabby sa lahat na baka meron daw makapagbigay ng magandang istorya na puwede nilang gawin, ipadala lang daw sa kanila para mapag-usapan at baka iyun daw ang mapili.

“Ang hinahanap namin sa totoo lang kung meron lang kayong alam na istorya, ipadala nyo lang po sa amin, o instagram ninyo o i-email ninyo gabbyconcepcion@gmail.com.

“We really really need a good story.

“So, if anybody who has a good story out there. It has to be out of the box, kakaiba, we’re willing to look at your stories,” pahayag ni Gabby sa media launch niya sa Beau­tederm na ginanap sa Relish, QC kahapon.

Doon na rin sinagot ni Gabby ang isyung kaya hindi raw sila nagkasundo noon dahil sa napakataas daw ng talent fee na hinihingi niya.

Hindi raw siya maniningil. Ang mahalaga raw sa kanya ay ibigay kay KC Concepcion ang rights ng pelikula.

“I’m looking forward to many other shows next year. Sana…ang daming nag-Instagram sa amin, ang daming nag-message sa social media na nagri-request na kung puwede kami nga mag-show o gumawa ng pelikula.

“Kung, hindi man matuloy yung pelikula, at least man lang makapag-show kami para makita namin live yung audience namin na matagal na naming hindi nakikita or hindi nila kami nakikita.

“Yun lang, it’s a gift to all of them who want to see us.

“Let’s face it, a lot our our audience ka­sing edad ko rin di ba?” dagdag na pahayag ni Gabby.

Ruru naudlot kay Maureen!

Lalong gumaling umarte si Ruru Madrid sa ipinakita niya sa Adik sa ‘Yo (The Radj Kem Galos Story) episode ng Magpakailanman kagabi.

Iyon naman daw talaga ang gusto na niyang gawin ngayon na matsa-challenge siya sa pag-arte. Kaya kinarir niya itong appearance niya sa Magpakailanman.

Sayang nga dahil hindi talaga kinaya sa schedule ni Ruru na gawin ang launching movie ng Asia’s Next Top Model Maureen Wroblewitz.

Siya na sana ang napiling leading man nito na kung saan kukunan ang kabuuan ng pelikula sa New Zealand.

Dapat ay October 21 kasama na siyang lumipad pa New Zealand para sa shooting ng naturang pelikula.

Kaya lang natama naman ang schedule ng shooting sa promo ng pelikula niyang Cara X Jagger ng APT Entertainment.

Sa November 6 na kasi ang showing kaya puspusan na ang promo nila.

GABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with