Sharon at Regine nagsalita sa patalbugan nila sa concert
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

Ang dami na nga ang naaaliw sa vlog ni Regine Velasquez na ‘vlang’ naman ang tawag niya.

Nakakaaliw nga naman ang kinuwento niya kung paano siya deadmahin noon sa Louis Vuitton store sa New York.

Dahil sa hindi siya pinagbentahan, bumili siya ng 20 pairs na sapatos sa katapat nitong Neiman Marcus.

Kaya pagbalik niya ng LV, hinarap na siya dahil sa dami nang napamili niya sa Neiman Marcus.

Sabi naman ni Regine, wala naman daw nega dun sa kuwento niyang iyun. “Kasi pag pinanood mo yung video, hindi naman siya nega eh. Actually, funny it was funny. Naikuwento ko lang naman.  Nakakatawa lang kasi siya,” pakli ng Asia’s Songbird.

Wala naman daw siyang balak na magkaroon ng sarili niyang You Tube channel. Ang ate Cacai lang daw niya ang nagkumbinseng gumawa na siya ng vlog. “Sinabi lang yan sa akin ng kapatid ko na maybe you should have a YouTube. Sabi ko talaga ba?

“Kasi nakakatawa naman talaga kaming mag-asawa. We’re really funny. So, sabi niya try lang natin.

“Ayun dere-deretso na. I think this week we’re releasing the second ‘vlang’,” dagdag na kuwento ni Regine.

Sa gitna nang pagba-vlog niya, medyo ini-stress na raw niya ang sarili sa nalalapit nilang Iconic concert ni Sharon Cuneta na gaganapin sa Araneta Coliseum sa October 18 at 19.

Doon sa mediacon nila na ginanap sa Novotel nung nakarang Huwebes ay in-announce nilang sold-out na ang tickets ng October 18 show. Konti na lang din ang natira sa October 19.

Kailangan daw niyang repasuhin ang mga lyrics ng mga kakantahin niya.

Si Sharon naman ay nagkakasakit na natural lang daw sa kanya iyun kapag nalalapit na ang concert.

Ang laki nang ipinayat niya dahil nakakalimutan na pala niyang kumain. “There so many things in my mind,” sabi ng Megastar.

Ganun din daw ang nangyayari kay Regine kapag nai-stress siya sa paghahanda sa kanyang concert. “Kasi parang hindi muna ako kakain, tapos before you knew it, dinner na. Ako, laging ganun eh. Tubig lang nang tubig,” sabi naman ni Regine.

Hindi maiwasang pagkumparahin silang dalawa sa concert na iyun, pero nilinaw ng dalawang icons na wala silang patalbugan sa concert na ito.

May ilang nang-intriga na nagsasabing tiyak na tatalbugan daw ni Regine si Sharon.

Sagot naman ng Megastar; “Obviously, I’ve always said, Regine is the better singer, but we have two different styles.

“I also know naman my strengths. We’ve both have come so far for different reasons, and those reasons are all valid. So, hindi puwedeng sabihing magsasapawan.

“Ibig n’yong sabihin na pag nag-concert si Reg, si Lani Misalucha, ako, si Pops, si Ice, Moira, so papatayin na lahat na hindi marunong magbirit?

“Parang nagku-compare ka ng apple saka ng orange, hindi puwede, magkaibang-magkaiba.

“It’s very mean for them to say that kasi parang napaka-disrespectful naman sa mga itinanim ko dito sa industriya.”

Sabi naman ni Regine; “We’re not here to compete with each other.

“Saka lahat po na mga concerts na ginawa ko, hindi naman ako nagku-compete. I’m a team player.” Ganun din daw ang nangyayari kay Regine kapag nai-stress siya sa paghahanda sa kanyang concert. “Kasi parang hindi muna ako kakain, tapos before you knew it, dinner na. Ako, laging ganun eh. Tubig lang nang tubig,” sabi naman ni Regine.

Hindi maiwasang pagkumparahin silang dalawa sa concert na iyun, pero nilinaw ng dalawang icons na wala silang patalbugan sa concert na ito.

May ilang nang-intriga na nagsasabing tiyak na tatalbugan daw ni Regine si Sharon.

Sagot naman ng Megastar; “Obviously, I’ve always said, Regine is the better singer, but we have two different styles.

“I also know naman my strengths. We’ve both have come so far for different reasons, and those reasons are all valid. So, hindi puwedeng sabihing magsasapawan.

“Ibig n’yong sabihin na pag nag-concert si Reg, si Lani Misalucha, ako, si Pops, si Ice, Moira, so papatayin na lahat na hindi marunong magbirit?

“Parang nagku-compare ka ng apple saka ng orange, hindi puwede, magkaibang-magkaiba.

“It’s very mean for them to say that kasi parang napaka-disrespectful naman sa mga itinanim ko dito sa industriya.”

Sabi naman ni Regine; “We’re not here to compete with each other.

“Saka lahat po na mga concerts na ginawa ko, hindi naman ako nagku-compete. I’m a team player.”

REGINE VELASQUES-ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with