^

PSN Showbiz

Iconic malabo na uling maulit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Iconic malabo na uling maulit

Humarap uli kahapon sa entertainment press sina Regine Velasquez at Sharon Cuneta na siyempre, may panggulat dahil sa kanyang bago na short hairdo.

Ang sabi nga ni Nancy Yang, ang concert nina Sharon at Regine ang isa sa mga pinaka-exciting na prinodyus niya dahil very first time ang pagsasama ng dalawang diva na puwedeng hindi na maulit agad at maghihintay pa uli nang matagal bago magkaroon ng second.

Dahil sa Regine-Sharon concert, excited na ang lahat sa October 18 at October 19 kaya ngarag na ang mga beauty nina Nancy at Cacai Mitra.

Gloves na papipirmahan kay Sen. Manny kailangan ng closure

Naku Salve ha, talagang hahanapin ko na si Bernard Cloma at hihingin ko na ang bayad namin ni Lynette para sa gloves na pinapipirmahan namin kay Champ Manny Pacquiao pero hanggang ngayon, hindi pa niya ibinibigay.

Isusumbong ko rin siya kay Chi Atienza-Valdepenas dahil hindi niya ibinigay sa akin ang giveaways sa binyag ng anak nina Congressman Lord Allan at Wen Velasco.

Okey na sana sa akin ang mga ek-ek ni Bernard dahil helpful naman siya at maalaga sa mga tao na nakakasama niya sa abroad, madali ring utusan at hindi naman sumasablay kung minsan.

Alam ni Bernard na importante sa amin ni Lynette ang gloves na pinapipirmahan namin kay Papa Manny kaya sana maging honest siya to tell us kung ano na ang nangyari.

Kalokah siya ha? Dapat piliin ni Bernard ang mga tao na eeklayin at sana, hindi niya kami isinama ni Lynette. Hahanapin ko talaga siya dahil kailangan nang magkaroon ng closure ang long overdue na paghihintay namin ni Lynette sa signed gloves ni Papa Manny.

Baka mauna pa na mag-retire sa boxing ang Pambansang Kamao bago namin mabawi ang gloves kaya wanted ka Bernard Cloma, hahanapin kita.

Amy stress free sa One of the Baes

Ang saya naman dahil tinanggap uli ng publiko ang team up nina Ken Chan at Rita Daniela sa One of the Baes.

Ang lakas din naman ng suporta na ibinigay sa kanila ng GMA 7 dahil sa mga co-star nila sa One of the Baes, sina Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon, Melanie Marquez, Amy Austria at Roderick Paulate kaya halos gabi-gabi na sinusubaybayan ng viewers ang primetime television series nila na sobrang entertaining.

Kahit medyo late na ang timeslot, pinagtitiyagaan ng mga bata na hintayin at panoorin ang One of the Baes dahil tawang-tawa sila sa mga eksena.

Good karma ang pagiging mabait ni Ken kaya gusto ng viewers ang kanyang mga project.

Kailangan din natin na papurihan ang team ng GMA News and Public Affairs na producer at namamahala sa One of the Baes dahil nakaisip sila ng naiiba na istorya nito. Good project kaya good ratings ‘di ba?

Siyanga pala, enjoy na enjoy si Amy  sa ta­ping ng One of the Baes dahil very light ang mga eksena niya.

Hindi required si Amy na umiyak nang balde-balde at puro kagagahan lang ang mga eksena nila ni Melanie Marquez.

Mahirap para sa mga artista ang mga madadrama na eksena dahil hanggang sa pag-uwi ng bahay, dala nila ang mabibigat na emosyon.

Sa One of the Baes, puro katatawanan ang mga eksena ni Amy kaya masaya siya na umuuwi ng bahay dahil stress free ang taping ng top-rating show nila.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with