^

PSN Showbiz

Sikat na male personality na dating patambay-tambay over na ang pagpo-powertrip

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naging saksi ang isang source sa mga naging aktibidad ng isang sikat nang male perso­nality nu’ng nangangarap pa lang siyang sumikat. Walang maitatago sa kanya ang sikat nang aktor ngayon.

Niintindihan ng source kung bakit maraming nag­…rereklamo ngayon sa pagiging power tripper ng male parsonality, nag-aalisan ang kanyang mga katrabaho, hindi kinakaya ang kaangasan ng sikat na aktor sa linya ng trabaho.

Ilang direktor na ba ng kanyang serye ang umaalis? Pati ang mga scriptwriters ng malaganap niyang programa ay nag-resign na rin?

Kuwento ng source na nakakakilala sa sikat na aktor nang mula ulo hanggang paa, “Para siyang nabigla sa position niya ngayon. Hindi kasi niya aka­laing magkakaganito ang career niya. Nabigla siya!

“Imagine nga naman, sobrang nakakagulat ang naging pagsikat niya. Dati kasi, e, patambay-tambay lang siya sa bahay ng mga kaibigan niyang artista rin.

“Du’n na siya kumakain para makatipid siya dahil kapos na kapos siya sa pera. Magkano lang ba naman ang talent fee niya sa mga movies na ginagawa niya, kulang pa para sa sarili niya?

“Kaya umaga pa lang, e, nandu’n na siya sa bahay ng mga kasamahan niya, du’n na siya naghihintay ng tawag ng production kapag nangangailangan ng mga artista,” umpisang kuwento ng source.

Hanggang sa napalapit ang male personality sa isang kilalang direktor. Du’n na siya nagsimulang bumida sa mga pelikulang maliliit man ay makabuluhan naman.

Patuloy ng impormante, “Pero kapos na kapos pa rin siya, patambay-tambay pa rin siya sa bahay ng mga kaibigan niya, lalo na sa bahay ni direk! Du’n na halos siya nakatira!

“’Yung ine-enjoy niyang kasikatan ngayon, pati ang kayamanang meron na siya, kapag hindi niya iningatan ‘yun, e, mawawala rin sa kanya. Dapat, e, hindi siya maangas, marunong dapat siyang makisama, lalo na sa mga katrabaho niya.

“Nagsimula siya sa wala, sa pagiging extra, kaya alam niya dapat ang damdamin ng mga taong nakakasalamuha niya ngayon. Kundi niya gagawin ‘yun, e, magiging negatibo ang mundo niya!

“Marami nang nagrereklamo sa kanya, hindi na maganda ang mga istoryang umiikot tungkol sa pagiging power tripper niya! Huwag niyang idamay ang ibang tao sa kasikatan niya ngayon na hindi niya kinakayang i-handle!

“Nu’n ngang time na walang-wala siya, ni palaman sa pandesal, e, wala siyang pambili! Kaya ingatan niya na ang kung anumang meron siya ngayon, manalamin siya kung bakit siya inaalisan ng mga katrabaho niya!” madiing-madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kapalaran ni Maine sa pelikula hinihintay kung makakatie ni Alden

May dating pero siguradong hindi maaabot ng tambalan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza ang tagumpay na inabot ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

?Maituturing na penomenal ang naganap sa pelikulang ginawa nina Alden at Kathryn, paminsan-minsan lang nagaganap ang ganu’n, nakakampi lang nila ang panahon.

Hindi na ‘yun mauulit sa nalalapit na hinaharap, kailangan munang tumiyempo uli ang kapalaran para sa susunod na magtatagumpay, sa totoo lang.

?Pero umaagaw na rin ng atensiyon ngayon ang tambalan nina Carlo at Maine, nagiging interesante na rin ang kanilang pelikula, lalo na’t ang ginamit pa nilang scoring ay ang napapanahong piyesang  Buwan ni JK Labajo.

?Maganda ang kanilang kumbinasyon, may kilig din, at mukhang maganda ang ikot ng kuwento ng kanilang pelikula. Magaling pa namang umarte si Carlo Aquino, isa siya sa mga artistang alam kung paano gamitin ang kanyang mga mata, lalo na dito sa pelikula nila ni Maine na pipi ang kanyang role.

Harinawang magtagumpay sa takilya ang Isa Pa With Feelings, kung nabigyan ng gintong pagkakataon si Alden Richards sa pagbaklas sa tambalan nila ni Maine, sana’y ganu’n din ang maging kapalaran ng Dubsmash Queen.

Para it’s a tie ang labanan. Para pareho nilang masabi na kahit pala wala naman ang isa’t isa ay kaya nilang tumayo sa sarili nilang mga paa.

?At para masaya ang mundo ng lokal na pelikula!

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with