Terrence at Pia nagpakaligaya sa wedding anniversary
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

Sobra naman ang ligaya ni Pia Romeo noong Martes dahil wedding anniversary nila ni Terrence Romeo and to make her completely happy, buong araw na hindi tumanggap ng anumang activity ang mister niya para makasama siya at ang kanilang anak na si JB.

Loving husband si Terrence kaya pala ang sexy nina Cris at Cel dahil talagang kasama sila sa anniversary dinner na inayos ni Terrence for his beloved Pia.

Hay inggit na naman ang mga may pagnanasa kay Terrence dahil talagang all eyes, ears, heart at mind siya sa asawang si Pia at anak na si JB.

Congrats Terrence and Pia and more years of married bliss. Love you talaga.

Acting ni Maricel laging hinahanap

Si Maricel Soriano ang isang artista na talagang gem sa acting. Unforgettable ang death scene niya sa The General’s Daughter at isa siya sa mga artista na laging hinahanap para mapanood dahil comedy o drama, the best ang performance niya.

Pero dumating din si Maricel sa punto na piling-pili lang ang gusto niya na trabaho, hindi tulad noong bata pa siya na  kaliwa’t kanan ang mga project na kanyang tinatanggap.

Now, iba na si Maricel. Kailangan, gusto niya ang project at ang kanyang mga katrabaho. Nasa level na siya na puwede nang pumili ng mga pelikula at teleserye na gagawin kaya tatak Maricel Soriano ang kanyang performance. Saka, wala na siyang dapat na patunayan pa kung acting ang pag-uusapan dahil subok na ang kanyang husay sa pag-arte.

Matutuwa ang fans ni Maricel dahil may horror movie siya na ginawa sa Regal Entertainment Inc., ang The Heiress na gustong isali nina Mother Lily at Roselle Monteverde sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Kakaibang Maricel daw ang mapapanood sa The Heiress dahil mangkukulam ang role niya.

Sana, masundan pa ang mga pelikula at teleserye ni Maricel dahil nami-miss siya ng kanyang mga tagahanga at sana, mapili na official entry sa Metro Manila Film Festival ang The Heiress dahil hindi kumpleto ang annual film festival kapag walang entry ang Regal Entertainment Inc.

Magagaling na staff asset ng kanilang big boss

Isang bagay na hindi malilimutan ang competence ng staff ng mga big boss dahil sila ang nasa frontline kaya dapat lang na paglapit sa kanila ng mga tao, alam na nila ang gagawin at ibibigay na tulong.

Alam na nila how to handle the situation at dito number one ang staff ng mga Villar, sina Avic, Nini at Anna Mae dahil  sure na may makukuha na resulta ang mga humihingi sa kanila ng tulong.

Action ladies din sila Marivic Larrazabal, Tet de Joya at Lynette Baldivino. Hindi rin patatalo si Eric Cham ni Congressman Mayor Lito Atienza.

At ngayon, nakita ko ang dahilan ng efficiency sa office ni Manila City Mayor Isko Moreno, si Cesar Chavez.

Lahat ng mga  tawag at text message, sinasagot ni Cesar at  may action agad siya. Ganoon din ang father ni FDCP Chairperson Liza Diño na si Under Secretary Martin Diño na kahit busy, may oras to answer inquiries and complaints. Bongga sila, talagang asset sila ng mga big boss. Salute.

PIA ROMEO TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with