Bela, na-shock sa sarili
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

Magbibida si Bela Padilla sa pelikulang Mañanita na ipalalabas sa Tok­yo International Film Festival 2019. Gaganapin ang nasabing event simula October 28 hanggang November 5 sa Tokyo, Japan. Si Paul Soriano ang tumatayong producer at direktor ng nasabing proyekto. Ginampanan ni Bela ang karakter ng isang sundalo kaya bilang paghahanda ay kinailangang mag-training ng aktres. “We have good and talented soldiers in the Philippines. I don’t want to let them down. So I did train the team of Mañanita and direk Paul accompanied me personally when I trained so I can assemble a rifle in a minute,” kwento ni Bela.

Ibang-iba ang hitsura ng aktres sa bagong pelikula. Halos hindi raw makilala ni Bela ang sarili sa tuwing nasa shooting. “May mga moment ako sa tent na kapag napapatingin ako sa salamin, nagugulat ako. May ibang tao sa salamin, pero ako rin pala ‘yon. So kapag 4 A.M. ang call time medyo nasa-shock ako,” natatawang kwento ng dalaga.

Samantala, ang premyadong direktor na si Lav Diaz ang sumulat ng script ng Mañanita. Ayon kay direk Paul ay malaking bahagi ng kanilang budget ay inilaan sa ilang OPM songs na ginamit para dito. “A lot of the budget went it the music. There’s also original songs basically I choose songs based on the lyrics. They were saying something Edilberta is going through,” nakangiting pahayag ni direk Paul.

Joshua gusto munang ma-master ang sarili bago uli mag-lovelife

May ilang netizens ang nanunukso o nag-uugnay kina Joshua Garcia at Alexa Ilacad dahil sa mga eksena ng dalawa sa teleseryeng The Killer Bride.

Ayon sa aktor ay alam naman nila ni Alexa kung ano ang pinag-uusapan ng mga manonood sa social media tungkol sa kanilang dalawa. “Actually, may nakikita akong mga tweet about sa amin. And sinabi ko sa kanya, ‘Alam mo bang pinagti-tripan tayo sa Twitter, na sinasabi na tayo.’ So kami pinagtatawanan na lang namin. Close lang (kami ni Alexa),” kwento ni Joshua.

Malapit na magkaibigan ang aktor at si Alexa dahil una nang nagkasama noon sa teleseryeng The Good Son. “Oo, ang hirap naman kasi na basta ka lang sasalang doon, wala man lang interaction doon sa tao ‘di ba? ‘Yung doon kay Alexa, wala ‘yon. Kayo talaga ang dudumi ng iniisip n’yo,” natatawang giit ng binata.

Sa ngayon ay wala pang bagong kasintahan si Joshua. Matatandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan ng aktor at dating kasintahan na si Julia Barretto kamakailan. “Hindi ko na siguro nararamdaman sa dami na ng ginagawa ko. Ayoko na muna mag-focus sa lovelife. Sabi ko sa sarili ko, bago ako pumasok sa relasyon ay matutunan ko munang mahalin ‘yung sarili ko. Kumbaga kailangan ko munang ma-master ‘yung sarili ko bago ‘yung iba,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with