Ethel Booba sasali sa TNT
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

SEEN: Si KZ Tandingan ang leading lady ni Epy Quizon sa The Art of Ligaw, ang initial presentation ng CoreMinds Production na kinunan sa Davao ang mga eksena. Saludo si Epy  sa acting ni KZ. Hindi inakala ni Epy na nakakaarte at mabilis umiyak si KZ. Dalawang kanta ang isinulat ni KZ para sa The Art of Ligaw na may playdate sa November 13.

SCENE: Sa isang ospital sa Pampanga ang taping ng mga eksena ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun ng GMA 7. Kukunan naman ang malalaking eksena sa isang kampo sa Nueva Ecija.

SEEN: Si Roxanne Barcelo ang nanalo kahapon sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions ng It’s Showtime. Singer si Roxanne bago nakilala na sexy actress. Future contender si Ethel Booba. Mahirap kalaban si Ethel dahil mahusay siyang kumanta na grand champion noon ng isang singing competition ng TV5.

SEEN: Mga contestant din sa future episodes ng TNT Celebrity Champions sina Ara Mina, Patricia Javier, Marlo Mortel at ang ibang mga singerna produkto ng iba’t ibang singing contest.

SCENE: Nagpapasalamat si Barbie Forteza sa lahat ng mga tumatangkilik sa episode ng Wagas na pinagbibidahan nila ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto. Natutuwa si Barbie dahil maganda ang ratings ng morning show nila ni Jak.

SEEN: May pagsisisi na nararamdaman ang comedienne na si Divine Aucina dahil sa rebelasyon nito na hindi na siya virgin pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na matatagpuan niya ang lalaki na magmamahal sa kanya. Sinabi ni Divine na foreigner na ang hinahanap niya na mainstay ng Madrasta ng GMA 7.

SCENE: Love and Romance ang pamagat ng anniversary concert ni Ronnie Liang sa Music Museum sa November 8. Inamin ni Ronnie na halos limang taon na ang relasyon nila ng kanyang New York-based girlfriend pero very private ito kaya hindi sila nakikita sa public places at hindi rin siya nagpo-post sa social media ng mga litrato nila.

ETHEL BOOBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with