^

PSN Showbiz

Amalia ililibing, Tony iki-cremate ngayon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Amalia ililibing, Tony iki-cremate ngayon!
Tony Mabesa

Ngayong umaga na ililibing si Amalia Fuentes sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Ang paborito niyang apong si Alfonso Muhlach ang nag-aasikaso ng lahat. Siya naman kasi ang nakatira sa bahay ng Lola Nena niya at nag-aalaga sa kanya hanggang sa pumanaw ito.

Masakit daw sa pamilya nila itong mga huling araw ng lola niya, pero kailangan daw nilang tanggapin.

“It’s difficult pero…it’s life,” pakli ni Alfonso.

Ipinatawag daw niya ang buong pamilya nung mga huling araw nito at mabuti nandun naman daw silang lahat.

Ang mabuti naging okay daw ang buong pamilya at naisantabi na ang mga alitan.

Kahit nga raw ang kanyang amang si Albert Martinez ay alam niya okay na rin sila ng lola niya.

Nagkaroon lang kasi ng ‘di magandang isyu nung pumanaw ang kanyang inang si Liezl Martinez na naintindihan naman daw niya dahil nag-iisang anak ito ng kanyang Lola Nena.

“It’s just a heat of…alam mo naman si Lola medyo passionate. Passionate talaga.

“When Mama (Liezl) passed, she’s her only daughter. I’ve always understood naman. We would never leave lola,” pakli ni Alfonso.

Pero ngayon ay okay naman daw ang lahat at nakikita raw niya ito sa kanyang lola, lalo na kapag pinapanood daw sa TV si Albert.

“Noong una siyempre nagselos lang si Lola before...Pero everytime I’d see Lola, and she would watch Papa on TV, she was so happy.

“Parang… ‘if Albert’s doing well, that’s…’ Papa’s taking care of us and Mama, why wouldn’t be she happy for my dad?”

“Ano lang yun ni Lola. She grew up in a different time.

“You know naman…that’s post-war, and your character has to be tougher. So, I always understood,” pahayag pa ni Alfonso.

Samantala, bukas ng tanghali naman ang cremation ng magaling na aktor na si Tony Mabesa na gaganapin sa Arlington Crematory.

Ang mga taga-Teatro ang nag-aasikaso lahat na karamihan ay mga produkto ng Dulaang UP.

Sila ang nag-aasikaso ng misa at Eulogy na kung saan ibinabahagi nila ang mga natutunan nila sa magaling na professor at aktor.

Sa showbiz naman ay madalas na character roles ang nabibigay kay Sir Tony na karamihan ay mga pelikula ni direk Joel Lamangan.

Nagbigay naman ng tribute para kina Amalia at Tony ang ASAP Natin ‘To nung nakaraang Linggo.

Kinanta nina Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Yeng Constantino, Moira dela Torre, JM de Guzman, Carlo Aquino at Daniel Ombao ang awiting Paglisan ni Cookie Chua.                         

Barbie sa Balesin gustong pakasal

Isa si Barbie Forteza sa nakakaintindi kay Anne Curtis kung bakit nakiusap ito sa media na huwag na raw sana silang tanungin tungkol sa pagbubuntis at kung kailan ikakasal ang isang babae.

Naniniwala siyang medyo sensitive ang isyung iyun para sa isang babae lalo na’t kung hindi naman daw natin alam kung ano ang pinagdaanan nito.

Nakatsikahan namin si Barbie kasama si Jak Roberto sa pocket presscon ng Wagas na kung saan tampok silang dalawa sa episode nitong Wait Lang…This is Love? na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga bago mag-Eat Bulaga.

Hiningan nga si Barbie ng opinyon tungkol sa sinabi ni Anne.

Saad ng Kapuso actress; “Kahit naman di ba na we’re friends with the press, may mga limits talaga na dapat sundin.

“Siyempre kahit papano, tao rin naman kami na may mga tanong na medyo sensitive para sa amin, maybe because we’re going through something, ganyan.

“May mga question na medyo sensitive sa mga kanya-kanyang concerns. Pero sa akin perso­nally, hindi ko rin po kasi gets na bakit kailangang tanungin.

“Kung may plans, malalaman at malalaman din naman po yun. Kung mabubuntis, malalaman at malalaman din naman po yun, no need to ask.”

Pero pabiro namang tinanong si Barbie kung may balak o kailan na ba sila magpapakasal ni Jak.

“I think, kailangan ko pa ng 20M!” natatawang sagot ni Barbie. “Siyempre Balesin, mga ganun,” sabi niya sabay lingon kay Jak na parang nabibigla sa mga sinasabi niya.

“Ayan iiyak na yan! Sige na nga, okay na ako sa garden kahit sa gazebo ng GMA,” kantiyaw pa ni Barbie kay Jak.

Sa ngayon ini-enjoy pa muna nila ang kanilang relasyon at malayo pa raw  ang usapang kasal.

vuukle comment

TONY MABESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with