^

PSN Showbiz

Phillip at Cesar pinanindigang sariling pera ang ginastos sa pagsama sa Russia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Phillip at Cesar pinanindigang sariling pera ang ginastos sa pagsama sa Russia
Cesar Montano, Phillip Salvador

Pero maraming hindi kumbinsido...

Napanood namin ang video nina Phillip Salvador at Cesar Montano noong nasa Russia sila at in-entertain ang mga kababayan nating Pinoy. Sabi ni Cesar, sariling pera nila ni Phillip ang ginastos nila papuntang Moscow at walang ginastos ang gobyerno.

Kaya lang, ayaw silang paniwalaan ng tao na naniniwala pa ring pera ng gobyerno ang ginastos nila para makasama sa grupo ni Pres. Duterte. Ang payo ng netizens kina Cesar at Phillip, iwasan muna nilang sumama kay Pres. Duterte sa mga lakad nito para hindi sila pag-isipang pera ng bayan ang kanilang ginagastos. Pati ang kaibigan nilang si Robin Padilla ay naglabas ng video tungkol dun na pinagtatanggol niya ang kanyang mga kaibigan.

Regine nagpaka-faney kina Sharon at Juday

Nag-fangirling si Regine Velasquez nang makasama sa photo sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos. Naka-post sa Instagram (IG) ang picture nilang tatlo na kuha yata sa ASAP.

Post ni Regine: “Eh hindi ako maka-get over sa pa Juday @officialjuday tapos may pa Mega @reallysharoncuneta pa!!! Grabe naman nahirapan ang heart kong fangirling.”

Natawa si KC Concepcion kay Regine, cute raw ang pagpa-fangirling ni Songbird at tuwang-tuwa rin ang fans ng tatlo na makita sila in one picture.

Samantala, sabi ni Sharon, hindi natuloy ang rehearsal nila ni Regine dahil nagkasakit siya at ayaw niyang pilitin ang sarili niya dahil baka sa araw mismo ng Iconic concert nila sa Smart Araneta Coliseum sa October 18 at 19, wala siyang boses. From today, 19 days na lang para sa concert nila na ilang years inabangan ng Pinoy fans. “Reg has been so sweet and encouraging and ca­ring. Am thankful my present concert “partner” is Reg.”

Si Rowell Santiago ang director ng Iconic na kung saan, dalawa ang musical directors. Si Raul Mitra ang musical director ni Regine at si Louie O­campo ang musical director ni Sharon.

Samantala, isa si Regine sa nag-i-enjoy sa vlogging na mayroon nang 100K subscribers. ‘Kaaliw ang vlog ni Regine na mapapanood via Regine Velasquez YouTube Channel dahil ang dami niyang nababanggit. Nakakalula ang walk in closet nito sa rami ng branded bags and shoes.

Betong susubok mag-concert

May concert si Betong Sumaya sa November 21, 2019 sa Music Museum billed Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha? Wala pang ibang de­talye sa concert, pero  ‘yung poster, nakaayos at nakadamit babae si Betong, gaya sa ginagampapan niyang karakter sa Bubble Gang.

Wala pa ring nakalagay kung sino ang guests ni Betong sa concert, pero hindi kami magugulat kung mag-guest si Alden Richards na close sa kanya at kung saan, kasama si Betong sa pinagbibidahan ni Alden na The Gift.

CESAR MONTANO

PHILLIP SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with