^

PSN Showbiz

Mga empleyado ng Star City wish na mabalikan ang kanilang trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sana, hindi agad sinabi ni Pasay City Fire Marshal Paul Pili ang kanyang hinala na arson ang naganap na sunog sa Star City noong nakaraang linggo.

Dahil sa sinabi niya, biglang nahaluan ng duda ang sunog na nangyari at ikinalungkot ng lahat, especially ng mga bata.

Unfair para sa management ng Star City ang balita na sinadya ito na sunugin dahil sa mga ganitong panahon, doble ang ingat nila bilang pinakamalakas ang amusement park nila tuwing Christmas season.

Mismong ang mga empleyado ng Star City ang nagsasabi na hindi arson ang nangyari at mas naniniwala sila na iba ang dahilan ng pagkatupok ng kanilang pinakamamahal at pinaglilingkuran na kompanya.

Isipin natin ang sadness ng 600 employees ng Star City dahil sa malungkot na insidente. Idagdag  pa ang pagkadamay sa sunog ng Manila Broadcasting Company, ang namamahala sa DZRH at FM stations nito.

Masakit isipin na nahinto ang operasyon sa Star City na may pinakamura na entrance fees sa rides at talagang pang-masa na karnabal sa Pilipinas.

Looking forward ang lahat na pumunta sa Star City tuwing Pasko at Bagong Taon. Ang Star City ang number one entertainment para sa mga bata at kahit sa matatanda sa pinaka-special week sa atin, mula December 24 hanggang January 1 dahil walang tatalo sa dami ng mga tao na gustong mag-unwind, mag-relax at bumalik sa pagkabata.

Dapat maging maingat sa pagbibigay ng statement ang mga city official dahil hindi lang ang management ang nadadamay sa intriga, pati na mga empleyado na  hindi alam ang future nila habang hindi naaayos ang Star City.

Sure ako maraming nagdarasal na maitayo muli ang karnabal ng bayan. Fight Star City, bangon! Kaya n’yo ‘yan.

Julia hinintay ng fans

Hindi ko akalain na marami pala ang excited na muling mapanood sa telebis­yon si Julia Montes.

Marami ang nag-react sa balita na lalabas at muling mapapanood si Julia na matagal nang nagpahinga. Wala tayong nababalitaan tungkol kay Julia, maliban sa paminsan-minsan na mga Instagram post niya.

Ang akala ko, sa tagal na nawala siya sa showbiz, hindi na exciting ang balita na magkakaroon ng comeback project si Julia pero iba ang reaksyon ng mga tao.

Itinatanong nila kung ano ang magiging project ni Julia na isang good sign dahil ang ibig sabihin, may fan base talaga siya na naghihintay sa pagbabalik niya.

Welcome back Julia!

Rhea aligaga sa rami ng bagong binubuksang tindahan ng Beautederm

Bongga pala ang friend natin na si Rhea Tan ng Beautederm, Salve. Halos every week, go siya sa mga provincial opening ng mga bagong dagdag na branch ng Beautederm.

Happy si Rhea dahil kasama niya sa ope­ning ng mga branch ang mga beauty ambassador niya tulad nina Gabby Concepcion, Ken Chan at Lorna Tolentino pero mas madalas ang mga meet-and-greet nina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado at kung minsan, nakakasama rin si Marian Rivera-Dantes, lalo na kapag home beauty ang bubuksan na store.

Sa rami ng mga branch ng Beautederm na binubuksan niya, sobrang busy si Mama Rhea na alagang-alaga ng Beautederm kaya kahit libot nang libot sa mga probinsya, gandang Beautederm pa rin siya.

vuukle comment

STAR CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with