^

PSN Showbiz

Sarah ayaw maging pilit ang pelikula nila Daniel

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sarah ayaw maging pilit ang pelikula nila Daniel
Sarah Geronimo

Noong isang taon pa unang pumutok ang balitang posibleng magkatambal sa isang pelikula sina Sarah Geronimo at Daniel Padilla. Matatandaang pumatok nang husto sa takilya ang Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan naman nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Maugong pa rin ang bulung-bulungan na mukhang matutuloy nang makatrabaho ng Popstar Royalty si Daniel. “Yes, I’m looking forward to it. Pero kailangan lang na perfect ‘yung material namin,” nakangiting bungad ni Sarah.

Tatanggapin lamang daw ng dalaga ang proyekto nila ni Daniel kung talagang maganda ang istorya nito. “Sana hindi siya dapat ma­ging pilit. Hindi siya dapat maging formula. Alam mo ‘yon, dapat talagang iba,” giit ng aktres.

Marlo ayaw kumabit para sumikat

Kailan man ay hindi umano pumatol si Marlo Mortel sa maimpluwensyang tao upang sumikat sa showbusiness. Tanggap naman ng aktor na malaki ang naitutulong ng mga may koneksyon upang mas maraming proyekto ang matanggap ng isang artista. “Siyempre naniniwala ako talaga na malaki ang influence nila. Kasi totoo naman di ba, powerful sila. Hindi naman ako against diyan. Hindi naman kasi natin alam ‘yung mga nangyayari behind the scenes, di ba? Ako kasi never kong na-try na makipag-jowa. Hindi talaga kaya din ako nahihihirapan siguro. Kasi pinagdaanan ko ‘yung hirap, kasi wala naman akong kinabitan na kahit sino. Talagang on my own lang ako. Kasi hindi nga ako kumabit kahit kanino,” natatawang pahayag ni Marlo.

Ilang indecent proposals na rin daw ang tinanggihan ng binata. Alam ni Marlo na mayroong ibang artista na tumatanggap pero wala naman daw itong problema sa aktor. “Me­ron , meron din naman. Pero kanya-kanya naman kasi ‘yang ano eh, wala akong against kung ‘yung iba gusto nila ‘yon. No problem, it’s you. If that’s how you make it, why not? If that what makes you happy, why not? Kasi ako happy ako sa part na nano-notice ‘yung talent ko at ‘yon din ‘yung pinaglalaban ko ever since kahit wala akong manager, ‘yung talent. Parang hindi ko kailangan (pumatol). Never ko naman siyang ginawa,” paliwanag ng aktor.

Abala ngayon si Marlo sa shooting ng pelikulang Santigwar na pinagbibidahan nila ni Alexa Ilacad. Nahirapan ang aktor sa trabaho kahit ito na ang pangalawang horror movie na kanyang nagawa. “Isa sa pinakamahirap na i-acting is horror. Kasi paano mo ipi-fake ‘yung takot? Kasi madaling i-fake na in love, madaling i-fake na masaya ka. And medyo mahirap lang dito ‘yung takbuhan,” kwento ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with