^

PSN Showbiz

Male singer mas kilala na ng mga sabungero kesa milenyal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Minsan nang pinitik ng mismong kasamahan niya ang isang male singer. Nagkasama sila nu’n sa isang provincial show, nagpalutang ng kaangasan ang lalaking performer, hindi ‘yun nagustuhan ng kanyang mga kasama sa show.

?Wala siyang pakialam kung meron siyang masasaktan-masasagasaan, basta gagawin niya ang kanyang gusto, bahala na si Batman sa kanyang mga kapwa singers.

?Pag-alala ng aming source, “May karapatang pumuna ang male singer na pumitik sa kanya sa social media. Meron nang napatunayan ang male singer na ‘yun, marami na siyang napasikat na kanta na kadalasan, e, siya rin ang nagko-compose.

?“Mali naman kasi talaga ang ginawa niya, nandu’n ang original singer ng piyesang gusto niyang kantahin sa show, nag-suggest ang mga kasamahan nilang singers na unahin munang pakantahin ang nagpasikat ng song.

?“May nagpayo rin sa male singer na huwag na niyang kantahin ang song na pinasikat ng nandu’n mismo sa show, pero hindi siya pumayag, kasama raw ‘yun sa list ng mga kakantahin niya!

?“Napikon sa kanya ang mga kasamahan niyang singers, totoo raw pala ang nababalitaan nila na maangas ang singer na ‘yun! Wala siyang respeto sa mga singers na mas nauna sa kanya!”  kuwento ng aming impormante.

?Isa lang ‘yun sa marami niyang ginawang kaadelantaduhan. Sa pinakahuling provincial show kung saan nandu’n din ang male singer ay minsan pa siyang nag-inarte nang sobra-sobra.

?Patuloy na kuwento ng aming source, “Ayaw niyang bumaba sa nirentahang van ng show promoter kapag tinawag na siya sa stage! Kailangan daw itutok ang sasakyan sa mismong hagdan ng entablado, saka na lang daw siya aakyat sa stage!

?“Napakaraming tao, may mga masasaktan kapag sinunod ng mga namamahala ng show ang gusto niyang mangyari, kaya talagang pinalakad siya nang ilang metro lang naman papunta sa stage.

?“Nakakaloka! Ni walang nag­kagulo sa kanya, ni walang humila sa kanya para mayakap siya, wala talaga! Kaya no ang sinasabi niyang masasaktan na naman siya sa pagkakagulo ng audience?

?“Napaka-feeling talaga ng male singer na ‘yun na hindi naman kaguwapuhan at kung tutuusin, e, tapos na ang panahon! Hindi na siya main star ngayon, isa na lang siya sa marami!

?“Hindi na nga siya kilala ng mga milenyal! Sa sabungan na lang yata siya kilala dahil ‘yun ang bisyo niya! Sabungero ang mokong na ‘yun na ang pakiramdam, e, nasa gitna pa rin siya ng aksiyon!”  pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Kris hinahanap na sa TV!

Totoo, mabuti na lang at nang mawalan ng mga shows si Kris Aquino ay saka naman namayagpag ang social media, hindi siya nawala sa kamalayan ng ating mga kababayan.

?Magaling pumaraan si Kris para sa ikabubuti ng kanyang career, kung wala siyang talk show, ano nga naman ang ginagawa ng social media para makapagtawid siya ng mga nagaganap sa kanyang buhay?

Sa aminin at sa hindi ng mga umaayaw sa talk show host ay isang interesanteng personalidad pa rin siya hanggang ngayon.

?Nawala lang ang kanyang mga programa pero si Kris ay hindi nawawala sa gitna ng kuwentuhan ng mga Pinoy. Konting arya lang niya ay mabentang-mabenta na sa merkado ng tsismisan.

?May pakawalan lang siyang pahayag ay pinag-uusapan na, laman na ng mga tabloid, ramdam na ramdam pa rin ang kanyang presensiya.

?Pero tama ang opinyon ng mga kababayan natin, kailangan pa ring napapanood si Kris sa telebisyon, ‘yun ang kanyang balwarte at napakaepektibo niyang host.

?Ginawa niya na ang lahat, may mga kinausap na siyang kaibigang makapagrerekomenda sa kanya para makabalik siya sa hosting, pero sadya nga ya­tang mailap pa sa kanya ang kapalaran.

?Hindi pa nga lang siguro sa ngayon, pero siguradong may babalikan pa rin si Kris Aquino, hindi naman tayo araw-araw na nakakatagpo ng isang talentong tulad niya.

?Maarte na si Kris kung sa maarte, maldita na siya kung sa maldita, pero hindi pa rin natin maitatanggi ang katotohanan na nang magpahinga ang kanyang kaartehan sa kanyang mga talk show ay nagkaroon ng kulang sa ating panonood.

?Sa mga sasagot ng hindi ay isa lang ang ibabalik naming tanong—mama­tey?

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with