^

PSN Showbiz

Sunod-sunod...

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man nakakabawi ang industriya ng pelikulang Pilipino sa sunud-sunod na pagpanaw ng movie icon na si Eddie Garcia, ang dating matinee idol at veteran actor na si Lito Legaspi at ang veteran director na si Mel Chionglo, magkasunod namang binawian ng buhay and theater icon-turned TV and movie actor na si Antonio `Tony’ Mabesa at ang dating movie queen, veteran actress-producer na si Amalia ‘Nena’ Fuentes (Amalia Amador Muhlach sa tunay na buhay).  Ang dalawa ay magkasunod na namaalam nung nakaraang Biyernes, October 4 at Sabado, October 5 res­pectively.

Tony was 84 habang 79 naman si Amalia or Nena.

Samantala, hindi umano makakauwi ng bansa ang panganay na apo ni Amalia na si Alyanna Martinez, anak ng yumaong anak ni Nena na si Liezl at mister nitong actor na si Albert Martinez.

Si Alyanna na may sarili nang pamilya at naka-base sa Los Angeles, California, USA kasama ang kanyang mister na si Roy Macam at daughter na si Adalyn Riley.

Naiwan sa Pilipinas ang dalawa pang apo ni Nena na sina Alfonso at Alissa kasama ang kanilang ama na si Albert.

Speaking of Nena, huling lamay na niya sa araw na ito ng Lunes, October 7 sa Mt. Carmel Church in Quezon City.  Siya’y nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantu­ngan bukas, Martes, October 8 pagkatapos ng 8 a.m. mass.

Si Amalia ang itinuturing na matriarch ng mga Muhlach sa showbiz. Bukod sa yumao na rin niyang anak na si Liezl, pamangkin ni Nena (Amalia) sina Arlene, Aga, Niño, Almira, AJ at Andrew na pare-parehong nasa showbiz na rin ganundin ang anak ni Niño na si Alonzo Muhlach na apo na sa tuhod ni Nena.

FDCP maraming nakalinyang project 

Masayang ibinalita ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Diño na sabay ng pagsasagawa ng ika-24th Busan International Film Festival sa Busan, Seoul, Korea ay ang pagla-launch sa nasabing international film festival ng pinakabagong local incentive scheme na tinaguriang Films Philippines FLIP (Film Location Incentive Program) at Film Philippines ICOF (International Co-production Fund) na makakatulong sa mga Asian filmmakers for film funding ng mga pelikulang isu-shoot sa Pilipinas or co-production projects. Ang nasabing program o proyekto ay hindi lamang makakatulong sa mga local filmmaker kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng  Southeast Asia.

Speaking of Busan International Film Festival, masaya ang pakiramdam ni Judy Ann Santos, bida ng pelikulang Mindanao na dinirek ng Cannes’ Best Director na si Brillante Mendoza dahil na-experience rin niya finally ang paglalakad sa red carpet premiere ng Busan International Film Festival kung saan sabay niyang rumampa ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo, ang director ng pelikula na si Brillante maging ang mga co-stars ni Juday sa movie na si Allen Dizon at Vince Rillon.

Hindi na tinapos ng mag-asawang Juday at Ryan ang international filmfest dahil kailangan nilang bumalik agad ng Pilipinas for their other commitments.

Ang Mindanao ay kalahok din sa 2017 Tokyo International Film Festival  pero hindi makakadalo si Juday dahil meron na siyang prior commitment sa Dubai para sa international book fair kung saan isa siya sa naimbitahan dahil sa kanyang cooking book na Judy Ann’s Kitchen.

Kung kelan may asawa’t mga anak na si Juday ay saka naman buhos ang tuloy-tuloy na blessings sa kanya.

Ngayong gabi, October 7 ay magsisimula rin sa ere ang kanyang bagong fantasy TV series na Starla na mapapanood pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.  Maganda rin umano ang takbo ng restaurant business ng mag-asawang Juday at Ryan, ang Angrydobo na matatagpuan along Taft Avenue malapit sa De la Salle University in Manila.

James manager na rin

Bukod sa music label na itinatag ni James Reid, ang Careless Music Manila, meron na rin itong sariling talent management company na si James din mismo ang tumatayong Chief Executive Officer or CEO.

Ang gagawing bagong TV series ni James under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal, ang Soulmate na pagtatambalan nila ni Nancy McDonie, isa sa mga members ng K-Pop all girls group na Momoland na pamamahalaan ni Antoinette Jadaone at first TV project bale ng ex-PBB big winner matapos itong kumalas sa pamamahala ng Viva Artists Agency (VAA).

Hindi rin kami magtataka, Salve A. kung susunod din sa kanya ang kanyang ka-loveteam at kasintahan na si Nadine Lustre kapag natapos ang kontrata nito sa VAA na siyang sumugal sa team-up nila ni James.

Inayawang contest ni Patricia, pinanghihinayangan

Marami ang nanghinayang na inayawan ng singer-actress-entrepreneur-beauty queen na si Patricia Javier ang kanyang pag-represent sa Pilipinas sa Mrs. Universe competition na gaganapin sa China ngayong Disyembre.

Although si Patricia ang nanalong Mrs. Universe Philippines, she gave up her crown at sa halip ay kakatawanin niya ang Pilipinas sa kauna-unahang Ms. Noble Queen of the Universe na gaganapin sa Manila Hotel sa darating na December 1.

Isa si Patricia sa mga modelo ng fashion designer na si Don Cristobal kung saan din kalahok ang mga creations ng iba pang kilalang fashion designers tulad nina Albert Andrada, Jun Escario, JC Regalado at Step Tan, daughter of movie producer Robbie Tan.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with