Momoland magiging visible sa Kapamilya
Momoland

Momoland magiging visible sa Kapamilya

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2019 - 12:00am

Anyway, speaking of Momoland, isa lang ang Soulmate sa mga project ni Nancy na pinaka-pretty and popular sa grupo, sa mga nilulutong proyekto ng Momoland sa Pilipinas matapos magsanib-puwersa ang ABS-CBN at management company ng grupo na MLD Entertainment na magkasamang mamamahala sa magiging karera ng Korean idols sa Pilipinas matapos maganap ang contract signing ng dalawang kumpanya noong Biyernes (Oktubre 4)

“This is part of ABS-CBN’s going global. You will see Momoland in a lot of our programs, in future collaborations with our artists, and in other projects that will involve our Kapamilya stars, including Star Music and Star Magic artists,” ayon kay Laurenti Dyogi, ang ABS-CBN Head of TV Production.

Dinaluhan din ang contract signing nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, head of treasury Rick Tan, Star Hunt business unit head Raymund Dizon, head of ABS-CBN Music Roxy Liquigan, at MLD Entertainment official Lee Hyoungjin.

Ang Momoland ay produkto ng Korean reality-talent show na Finding Momoland at unang nakilala noong 2016. Sumikat sila sa kanilang hit dance craze na Boom Boom at Baam na pumatok sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas.

 

MOMOLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with