^

PSN Showbiz

Guwapo at bagets personality umaapaw ang kaartehan sa katawan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung meron mang maituturong nag-iinarteng male personality ang mga magkakaumpukan isang gabi ay walang iba ‘yun kundi ang isang guwapo at sikat na bagets personality.

?May sariling mundo kuno ang young male personality, hindi siya nakikihalubilo sa kanyang mga katrabaho, akala yata niya ay mabuhuhay siya nang nag-iisa lang sa mundo.

?Marami siyang hinihingi kapag naiimbitahan siya sa mga probinsiya, nakalista pala ang mga gusto niyang mangyari, siya ang dapat masunod at hindi ang show promoter.

?Kuwento ng source sa umpukan, “Mahirap siyang kunin para sa malalayong shows. Meron siyang sariling patakaran na hindi puwedeng baliin ng mga nang-imbita sa kanya.

?“Bukod sa talent fee niya, kailangang meron pa siyang gas allowance. Hindi rin siya puwedeng puntahan sa hotel ng mga fans. Puwede lang siyang lapitan sa mismong show proper na.

?“Kahit ang mga promoters, sa text lang dapat sila nakiki­pag-communicate sa PA ng bagets actor. Kung may kailangan silang itanong, sa PA ‘yun dapat i-text at hindi sa kanya,” namamanghang kuwento ng aming impormante.

?Kapag tumatanggap naman siya ng endorsement ay siya pa rin ang kailangang masunod sa lahat-lahat. Marami rin siyang hinahanap at hinihingi.

?Isang impormante naman sa umpukan ang nagkuwento, “Nakasama kasi siya ng friend ko sa isang TVC shoot. Grabe pala ang kaartehan nu’n! Kalala­king tao niya, pero kinakabog niya sa kaartehan ang mga kababaihan!

?“Pinakikialaman niya pati ang pagme-make-up sa kanya. Halos ayaw niyang pasayaran sa kolorete ang face niya, dahil wala raw kailangang takpang mga tsismis sa face niya!

?“Flawless na raw siya, hindi na siya kailangan pang gamitan ng pangtago sa mga pekas, foundation ang ayaw na ayaw niya!

?“Ayaw din niyang may ka-share sa room, kailangang exclusive lang para sa kanya ang place, sila lang ng PA niya ang nasa waiting area!

?“Ganu’n siya kaarte, shock na shock sa kaartehan niya ang buong production! Bibihira nga lang naman kasi ang artistang tulad niya na umapaaw sa kaartehan!

?“Kung papipiliin sila ng kulay sa color wheel na gusto nilang itapon, red ang pipiliin nila!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

?Ubos!

Andrea pinagbibintangang datung at katawan lang ni Derek ang habol

Nakakaawa naman si Andrea Torres. Hindi na niya maitatago ang kaligayahan niya sa piling ngayon ni Derek Ramsay pero hindi niya ikinatutuwa ang mga paghusgang tinatanggap niya mula sa mga bashers.

?Nakakalungkot lang. Hindi naman pinulot lang sa pusali ni Derek ang seksing aktres, maayos ang pamilyang pinagmulan niya, pero ang ibinabato ngayon kay Andeng ay pera lang daw ng hunk actor ang habol niya.

?Palaging materyal na kompensasyon ang ibinibintang ngayon kay Andrea, siya raw ang gumawa talaga ng paraan para ma-hook niya si Derek, napakasakit ng mga ganu’ng paratang para kay Andrea.

Kuwento ni Tito Manny Garcia, kaibigan ng pamilya ng aktres, “Hindi nagugutom ang pamilya ni Andeng para husgahan ng ganu’n! Maayos ang family nila, professor sa college ang father niya.

?“Ni hindi nga nila inaasahan ang kinikita ni Andeng, para sa mga sarili lang niyang pangangailangan ‘yun, pero nagbibigay pa rin siya sa mommy niya.

“Hindi siya ang breadwinner ng pamilya, walang pressure kay Andeng, hindi niya kailangang manggamit ng kahit sino,” paliwanag ng kaibigan ng pamilya ng sexy actress.

?Pero edukado si Andrea, kaya niyang i-handle ang mga ganu’ng komento laban sa kanya, makapagtatawid siya ng paraan para masagot nang patagilid ang mga taong humuhusga sa kanya.

Ang katalinuhang ‘yun ni Andrea ang isa sa mga dahilan kung bakit nahulog ang puso ni Derek Ramsay sa kanya. Matalino na ay mapagkumbaba pa ang dalaga.

?At sa totoo lang. Si Andrea Torres pa nga ang naloloko sa pakikipagrelasyon, hindi siya ang user, wala sa bokabularyo niya ang panggagamit sa kahit sino.

vuukle comment

KAARTEHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with