^

PSN Showbiz

Juday nag-heels at nag-corsette alang-alang sa Busan filmfest

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Juday nag-heels at nag-corsette alang-alang sa Busan filmfest

Sobrang na-enjoy ni Judy Ann Santos ang pagdalo sa 24th Busan International Film Festival sa Busan, South Korea.

Kabubukas lang nito kamakalawa at nag-red carpet siya kasama ang mister na si Ryan Agoncillo, at ang co stars nitong sina Allen Dizon at Vince Rillon with direk Brillante Mendoza para sa pelikula nilang Mindanao na kasali sa naturang international filmfest.

First time daw niyang nakasali sa international filmfest at naranasan niyang mag-red carpet kasabay ang ilan pang mga kilalang artista ng iba’t ibang bansa.

Sabi ni Judy Ann sa kanyang vlog; “I am so happy na nakasama namin kanina sina Meryll Soriano ng John Denver Trending. Nakilala namin si John Denver.

“Nakaka-proud na ang talent ng mga Pilipino ay nakikilala ng ibang bansa. This is my first time and I am so happy na na-experience ko siya nang kaya ko pang mag-heels ng 4 inches. Kaya ko pang mag-corsette ng buong gabi. Nakakaya ko pa.”

Nadaluhan pa ni Judy Ann ang meet and greet kahapon na dinagsa ng mga kababayan natin sa Busan at ilang mga Koreano. Pero kailangan na niyang bumalik ng Pilipinas dahil may promo pa siya sa pagsisimula ng Starla. Kaya wala na siya sa screening nito na naka-sche­dule ngayong araw at bukas.

Maaga pa lang ay sold-out na nga raw ang tickets, kaya nanghihinayang sina direk Brillante na hindi ito masaksihan ni Judy Ann.

Aware naman daw ang Execom ng MMFF sa mga sasalihang international filmfests ng Mindanao, as long as wala pang screening dito sa bansa.

 Kaya puwede pa talagang makapasok ito sa apat pang entries ng MMFF.

Pero sabi naman ni Judy Ann, hindi niya ikasasama nang loob kung hindi ito mapili sa MMFF.

Patuloy na mamamayagpag ang pelikula sa iba pang malalaking international filmfests na ayaw pa muna nilang ipasulat sa akin.

Sayang nga raw dahil hindi lang ito madadaluhan ni Judy Ann.

Jak at Barbie patas kina Dennis at Jennylyn

Mas lalong naging kumportable na ngayon sa kanilang relasyon ang magkasintahang Jak Roberto at Barbie Forteza na mahigit two years na pala.

Proud si Jak dahil nakuha niya ang trust ng mga magulang ni Barbie kaya pinapayagan silang magbiyahe o magkabasyon na silang dalawa lang.

Kagaya nung nagbakasyon sila sa Japan pagkatapos ng Kara Mia, kasama naman ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez, pero pumayag daw ang parents ni Barbie na sila lang at hindi na nila ito kailangang samahan pero sa ibang lakaran daw ay kasama naman ang mga magulang ni Barbie.

“Kahit nung birthday niya po, nag-Tagaytay kami kasama po lagi namin sina Tito at Tita, kasi nakaka-enjoy pag nag-celebrate na kumakain kami…kasi iisa ang panlasa namin sa pagkain eh.

“Kaya kung ano ang favorite namin nina Tito Tita, ganundin po ako saka si Barbie. Kaya masarap mag-food trip kapag kasama sina Tito at Tita,” pahayag ni Jak sa pagiging close niya sa parents ng girlfriend.

Kaya nga malaking bagay na maayos ang kanilang relasyon dahil may basbas at nandun ang tiwala ng mga magulang ni Barbie kay Jak.

Nung nakaraang Huwebes nga na kung saan nakatsikahan namin silang dalawa para sa Wait lang… Is This Love? episode nila sa Wagas, silang dalawa lang ang dumating. Hindi na sumama ang magulang ni Barbie dahil kasama naman nito si Jak.

Nandun daw ang tiwala na sa Kapuso hunk actor na ayaw naman daw niyang sirain iyun.

Ang nakakaaliw lang sa relasyon ng dalawa, open sila sa kani-kanilang crush.

Hanggang ngayon ay very vocal pa rin si Barbie na talagang crush niya si Dennis Trillo, pero hanggang crush lang daw talaga.

“Medyo nagkaintindihan kami sa part na yun kasi crush ko si Dennis, crush niya si Jennylyn (Mercado). Patas lang,” dagdag na pahayag ni Barbie.

 Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang episode na Wait Lang…Is This Love? bago mag-Eat Bulaga.

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with